Aug 26, 2010

Chapter 11 and 12


Chapter Eleven

Tahimik ang naging byahe nila pauwi. Tahimik din ang mga sumusunod n araw. Hindi na kailangang si Devon lang ang umiwas kay James, dahil parang pilit din ni James na hindi makita si Devon. Nakahiga si Devon sa kanyang kwarto ng pumasok si Ann sa kanyang kwarto.

“I don’t know what’s wrong with him,” himutok ni Ann. Nagpapahalata si Devon na ayaw niyang kausapin si Ann, pero hindi siya pinansin ng kaibigan. “James buries himself in his work. He would even refuse to talk to me in more than five minutes.”

Nagulat si Devon, matapos ang nasaksihan niya sa beach, naisip niyang di ba dapat mas maging close sila? “Baka naman busy lang talaga,” pagpapaliwanag niya sa kaibigan.

Halatang naiinis naman si Ann. Lumabas siya at kinuha ang cordless phone sa labas ng kwarto. Bumalik siya at nagsimulang magdial. “James, you’re still on the office? Yeah, it’s Ann. You want to go out for dinner? Okay. Where do we meet?” Tumayo si Ann at napa-yes kay Devon. Lumabas siya ng kwarto at narinig ni Devon na papasok sa kanyang kwarto. Halatang magbibihis.

Hindi alam ni Devon and mararamdaman. Natutuwa siya para sa kaibigan, pero nadudurog ang puso niya. Matagal ng nakapagpaalam at nakaalis si Ann, pero hindi pa din siya dinadalaw ng antok. Nakatingin lamang si Devon sa kisame. Hindi niya napansin na halos maghahating-gabi na pala. Lumabas siya ng kwarto para kumuha ng tubig ng narinig niyang may nag-uusap sa labas ng bahay.

“Why work so hard?” lambing ni Ann.

“There’s so much to do,” sagot ni James.

“How about spending another vacation with me,” masuyong tanong ni Ann. Hindi kaagad nakasagot si James, pero nakita ni Devon na hinawakan ni James ang kamay ni Ann. Napatungo si Devon at mabilis na bumalik sa kwarto bago pa siya mapansin ng dalawa. Hindi na niya narinig ang mga sumunod na pinagusapan ng dalawa.

Hawak ni James ang kamay ni Ann. Marahan siyang nagsalita, “I appreciate what you’re trying to do for me. But this is not gonna work. We’re better off as friends.”

Hindi nakapagsalita si Ann. Nangingilid ang luha niya. “No, James. I just can’t accept that. You know why? Cause I know kayang matutunan ang pagmamahal.” Tumalikod si Ann at iniwan si James para isipin ang sinabi niya.

*****
Bakasyon. Bakasyon ang kailangan ko, desididong wika ni Devon. Hindi siya makatulog buong gabi. Pagdating ng madaling araw, nagdesisyon siyang mag-empake ng gamit. Uuwi muna siya sa probinsiya, pero kailangan niyang makaalis kaagad ng Maynila. Pero, alam niyang hindi isya makakauwi kaagad sa Cebu kahit naroroon ang pamila niya. Kaya alas-kwatro ng umaga tumawag siya sa tiyahing na nakatira sa Naga. Nagulat man ang tita niya, hindi ito tumutol ng magpaalam si Devon na uuwi doon at magbabakasyong ng ilang araw.

Nagpadala siya ng isang text sa kay Fretzie na nagpapaalam na magbabakasyon, hindi niya sinabi kung saan. Nagpadala rin siya ng e-mail sa kanyang boss at humihingi ng paumanhin kung bakit biglaan ang pagpaalam. Sinabi niyang dalai to ng sakit at kinailngan niyang magpahinga sa isang lugar na walang polusyon.

Tulog pa si Ann ng lumabas si Devon dala ang kanyang maleta. Gumawa siya ng isang maiksing sulat para kay Ann at Ivan. Iniwan niya iyon sa mesa at lumabas ng bahay. Nagmamadali siyang tumawag ng taxi at nagpahatid sa sakayan ng bus papuntang Naga. Magulo ang isip. Masakit ang puso. Kailangan ko ng fresh air.

****
“She’s gone,” nagmamadaling wika ni Ivan habang papasok ng bahay.

“Huh?” nagtatakang tanong ni James. Isa na namang sleepless night, masakit ang ulo niya, masakit din pati ang mata.

“Devon’s not at home. She left,” paliwanag ni Ivan. Kinuha niya agad ang cellphone at nagsimulan tumawag. “She’s not answering her phone. Now, it’s off.”

Pumasok naman ng bahay si Ann, halatang kakagising lang din. “Relax, Ivan. Sabi niya sa letter, she’s not feeling well. She just needs a vacation.”

Nakaramdam si James ng biglang pagtaas ng presyon. “Devon’s sick? Why didn’t she tell us? Did she say what’s wrong with her?” Kaagad na kinuha niya ang sulat kay Ann at binasa. Wala man lang sinabi kung anong sakit, saan pumunta at kailan babalik si Devon. “She’s such a pain,” malakas at naiinis na wika ni James. Nagulat naman si Ann at Ian sa sinabi ni James.

Naiinis na pumasok ng kwarto si James. Why does she have to leave? I am completely avoiding her, trying to get out of her and Ivan’s way. May mga panahon na nakikita niya si Devon na lumalabas ng bahay, hindi din siya lumalabas.

Naalala niya ang sinabi ni Ann kagabi, you can learn how to love a person. Lalo siyang naiinis sa sarili. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Fretzie. Hindi din alam ni Fretzie kung saan pumunta si Devon, baka sa pamilya sa Cebu or baka sa ibang mga kamag-anak. Hiningi ni James ang phone number ng nanay ni Devon.

She didn’t even say goodbye, naiinis na wika ni James. At nagsimula siyang mag-dial ng numbers sa cellphone.

****
Gabi na nakarating ng Naga si Devon. Kaagad naman sumalubong ang tiyahin niya.

“Hay naku bata ka, bakit ba kasi pabigla-bigla ka? Kamusta ang byahe? Kumain ka na ba? Ibigay mo sa pinsan mo yang bag mo,” salubong ni Tita Myla.

Pagdating sa loob ng bahay, kumain si Devon ng hapunan. Hindi siya kumain ng kahit ano bukod sa itlog ng pugo sa loob ng sampung oras na biyahe. Wala kasi siyang kagana-gana. Maraming gustong itanong si Tita Myla kay Devon, pero pinili niyang tumahimik muna. May dahilan ang biglang paguwi ni Devon, kung ano man iyon ay dapat niyang malaman.

Pagkatapos maghapunan ay sinamahan ni Tita Myla si Devon sa kwartong tutulugan. “Pagpasensiyahan mo na, hindi ko na nalinis ng maayos yung kwarto. Pabigla-bigla ka kasi.”

Napangiti si Devon. “Okay lang Tita.”

Umupo si Tita Myla sa tabi ni Devon at nagtanong, “Ano bang nangyari at biglaan ang pag-uwi mo? May problema ka ba?”

Napatingin si Devon kay Tita Myla, “Hindi ba sabi ko tita, may sakit ako. Gusto ko lang magpahinga.”
Pero iba ang tingin ni Tita Myla, may kahulugan. Hindi na napigilan ni Devon ang sarili, umiyak siya. Itinuro ang dibdib at bumulong, “Dito, Tita. Dito.” Niyakap ni Tita Myla si Devon at hinimas ang likod. Ang pamangkin ang tipo ng taong hindi basta-basta nagpapakita ng emosyon. Sa dami ng pinagdaanan at isinakripisyo para sa kanyang pamilya, minsan kinakalimutan na ni Devon ang sarili. Hindi nagsalita si Tita Myla at hinayaang makatulog at makapagpahinga si Devon.

Kinabukasan, tanghali nang nagising si Devon, pinabayaan lamang siyang magpahinga ng kanyang tiyahin. Pilit man siyang pinipigilan ng tiyahin, gusto niyang magtrabaho at tumulong sa gawaing-bahay. “Hindi naman pisikal ang sakit ko,” biro ni Devon sa tiyahin. Kinuha niya ang labada at umupo. Kung pwede lang idaan lahat ng hinanakit sa kusot. Panigurado ako, ako na ang pinakain-demand na labandera sa buong Pilipinas, ako ang may pinakamapuputing nilabahan, natatawa na lamang si Devon.

Pagkatapos magtanghalian, binalikan ni Devon ang kanyang ibinabad, walang washing machine sina Tita Myla. Kaya ang ilang araw na damitan ng kanyang tita at tito, pati ang tatlong makukulit nitong anak ang sapat na para maging busy siya sa buong maghapon. Seryosong naglalaba si Devon ng may narinig na tumikhim sa likuran niya. Nagulat siya sa nakita na nakatayo sa pintuan ng kusina nina Tita Myla.

“Paanong –“ natigilan si Devon at napatayo mula sa inuupuang maliit na bangkito.

“A sick person should not wash clothes,” biro ni James.



Chapter Twelve


Nagulat si Devon, hindi kaya nasobrahan siya sa sabon? Wala naman sigurong hallucinatory effects ang Clorox na ginagamit ni Tita Myla, hindi naman siguro adik ang tiyahin niya. Nakanganga si Devon at hindi makapaniwalang nakarating ng Naga si James.

“Devon, hayan nakita mo na pala ang bisita mo,” bati ni Tita Myla. “Hala, sige, galing pa yatang Maynila yan. Yung pinsan mong si Dee na ang bahala sa nilalabhan mo.”

Sumunod naman si Devon at hinila si James papalayo sa mga tiyahin. Hinila ni Devon si James hanggang sa makarating sa isang sulok ng bakuran, sa ilalim ng isang puno. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Devon.

“You just left, you told Ann and Ivan you’re sick. You’re supposed to be resting,” inis na sagot ni James.

Nagulat si Devon sa sinabi ni James. “Ayan nakita mo na ako. Okay na okay ako. Go. Uwi ka na.”

“My butt ached from a ten-hour bus ride, I can’t bring my car cause I may get lost. I haven’t eaten nor slept, and now you’re trying to send me away,” reklamo ni James.

“Bakit ka ba kasi nagpunta dito? Paano mo nalaman na andito ako?” inis na tanong ni Devon.

“I called your mom and asked her,” sagot ni James. Napansin ni James na parang naiinis si Devon, “ I was worried. You left without saying anything, you left your work. You even said you were sick.”

Tiningnan ni Devon si James. “Nag-alala ka sa akin?” Bago pa man makasagot si James ay tinawag sila ni Tita Myla.

“Devon, pakainin mo yang bisita mo,” tawag ng tiyahin. Pumasok sa bahay sina Deon at James.
Abut-abot ang paghingi ng pasensiya ni Tita Myla kay James dahil sa ang nakayanan lamang niyang ihain ay minatamis na ginataang ube at kamote. Nagpabili naman ang tiyahin ni Devon ng softdrinks at tinapay sa anak nitong si Charlete.

Napatingin si Charlete sa bisita at bumulong sa pinsan. “Sino yan? Boyfriend mo,” hinampas ni Devon ang dalagitang pinsan sabay iling. Tumawa ng malakas si Charlete atsaka malakas na sinabi, “Aaah. Agum mo. (Asawa mo).” Tumakbo na papalayo si Charlete bago makaganti pa si Devon.

“This tastes really good,” sabi naman ni James habang kinakain ang ginataan. Parang gutom na gutom ang bisita nila.

“James,” tanong ni Tita Myla, at tumingin kay Devon kung tama ang pangalang sinabi niya. “Why uhm, come here?” nag-aalangang tanong ng tiyahin.

Napangiti si James. “I can understand Tagalog, you don’t have to speak English all the time. And,” tumingin si James kay Charlete na nakikinig din sa usapan, “I’m not her boyfriend, we’re just friends for now. I heard Devon was sick, so I decided to check on her.”

Nanlaki ang mata ni Tita Myla. “Nagbyahe ka ng ganon kalayo para lang makita kung okay si Devon. Hindi ba pwedeng idaan sa cellphone yan? O kaya dun sa internet?” Napangiti si James at itinuloy na lamang ang pagkain. “Ipapaayos ko yung kwarto ni Realou, dun na lang muna siya matutulog. Magsama-sama na muna yang tatlong babae sa kwarto ni Charlete,” wika ni Tita Myla kay Devon.

“Ay, hindi na Tita. Uuwi na din si James mamaya,” mabilis na sagot ni Devon.

Tumigil sa pagsubo si James at tumingin kay Devon, “ Are you serious? I travelled that long, and I’m supposed to go back today?”

“Marami kang trabaho di ba” hirit ni Devon. Kamusta naman, bulong ni Devon sa sarili. Pumunta ako dito sa probinsya para kalimutan kang mokong ka, tapos susunod ka dito.

“I filed for a vacation leave. I also need some fresh air, you know. I’m going back when you go back,” sagot ni James at ipinagpatuloy ang pagkain. “Anyway Tita, I could just look for a hotel and stay there. I don’t want to make your daughters uncomfortable.” Napatanga na lamang siya kay James at nagulat sa idea na may balak talaga itong mag-stay ng matagal.

Mabilis namang sumagot si Tita Myla, “Ano ka ba, James. Hindi kami ganyan sa mga bisita. Dito ka na matulog. Kaya lang pagpapasensiyahan mo na kung anong meron kami.” Napangiti naman si James sa tiyahin at muli na namang kumuha ng ginataan habang nagsasabi ng ”it tastes really good.”

****

Hindi makapaniwala si Devon, kahapon dumating si James. Tinawagan niya si Fretzie at sinabing andun ang lalaki, hindi mapigilan ni Fretzie ang sarili sa pagtawa. “Tinotoo, pala niya,” sabi ng kaibigan. “Kinukulit ako niyan para makuha yung number ng nanay mo. Tapos kinulit niya si Tita para sabihin kung asan ka. Malakas tama niyan sa ‘yo, mare!” Kung katabi lang niya si Fretzie ay kinaltukan niya na ito.

Simple lang buhay ng Tito at Tita Myla niya, hindi kalakihan ang bahay. Bagaman may kuryente at telebisyon, limitado lamang ang nakukuha ng antenna. Ang tubig ay iniigib sa poso, na hindi naman kalayuan sa bahay nila. May gulay sa likod ng bahay, may ilang pirasong alagang manok ang tito niya. Nilalakad lamang ang papuntang bayan kaya hindi din sila masyadong backward. Pero probinsyang-probinsya pa rin ang dating.

Hindi matunawan si Devon sa nakikita niya. Ang maputi at makinis na katawan ni James ay nagbo-bomba ng poso. Bakit ba kailangang naka-topless ka, nanlulumong wika ni Devon sa sarili. Ilang ulit niyang nakikita na nagbubulungan ang mga dumaraan na kapitbahay habang nakatingin sa nag-iigib na si James. Naririnig niya na tumatawa ang pinakabata sa magkakapatid na si Realou at ang kalaro nitong si Lhee habang nag-cheer ng “go, Kuya James, go!” Noong binuhat ni James ang timba para dalhin sa malaking dram ng tubig, hindi na napigilan ni Devon ang tumawa. Napatingin naman si James kay Devon.

“Why are you laughing?” wika ni James habang isinasalin ang tubig sa malaking dram. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ni Devon.

“Wala lang. Hindi ka kasi bagay dito. Sobrang out of place ka,” at hindi na naman napigilan ni Devon na tumawa. Kinuha James ang t-shirt at isinuot, pero hindi pa din tumitigil ng kakatawa si Devon.

Umakbay si James kay Devon at kinabig papalapit sa kanya ang dalaga. “I don’t feel out of place. You’re here.” Namula naman si James sa sinabi ni Devon at pinalo ng malakas ang kamay na naka-akbay sa kanya. “Aw, that hurts,” pero hindi tinanggal ni James ang pagkaka-akbay kay Devon. Humilig pa ito sa balikat ng dalaga. “I miss you,” mahinang bulong ni James.

Napatingin si Devon kay James at ngumiti. “I miss you too.”

Lumabas si Tita Myla at halatang nagpipigil ng ngiti ng makita si James na nakahilig kay Devon. Tumalikod si Tita at bumalik sa loob ng bahay.

“Oh, akala ko papapuntahin mo sa bayan si Devon at si James, para hindi mainip,” tanong ni Tito kay Tita Myla.

“Hindi na kailangan. Mukha nga silang busy eh,” nakangising wika ni Tita Myla.

Aug 20, 2010

Us? It's Undeniable (Chapters 7-10)

Chapter Seven

Isang linggo ng mainit ang ulo ni James, hindi dahil sa init ng panahon o dahil sa dami ng trabaho. Isang linggo kasing bakasyon si Ivan bago siya magsimulang magtrabaho. At sa loob ng isang linggong iyon parang walang sinayang na panahon ang kaibigan niya.

Nagsimula ito noong Lunes noong nasa labas si Ivan at umiinom ng kape, habang inaayos ni James ang gamit niya sa loob ng apartment.  Nagmamadaling lumabas si Devon at tumigil sa labas ng kanilang gate para maghintay ng tricycle.  Narinig ni James ang pagbati ni Ivan. “Good morning, Devon,” bati ni Ivan. Sumagot din naman si Devon. “Devon,” pahabol ni Ivan. “Can I ask for a favour?”

Nagtatakang tumango si Devon at lumapit sa nagkakape na si Ivan. Samantalang si James naman ay tumayo at sumilip sa bintana. 

“I need somebody to help me pick some items in the mall and in the grocery. Can you help me?” tanong ni Ivan. “James usually gets home late.  If its okay or if you have nothing to do.”

Bagamat nagtataka si Devon kung bakit siya ng pinakiusapan ng kapitbahay, hindi naman siya tumanggi.  Wala naman sigurong masama.  “Sige, pero pwede bang sa University na lang tayo magkita? You could ask James how to get there, hingin mo na din sa kanya ang number ko, para i-text mo na lang ako. Kelangan ko na talagang umalis.” Nagmamadaling sumakay ng tricycle si Devon at bahagyang kumaway kay Ivan. Napangiti naman si Ivan at pumasok sa loob ng bahay.

“What was that about?” hindi makapagpigil na tanong ni James sa nakangiti na Ivan.  “Really, I can go with you.”

Ngumiti si Ivan at umiling. “Taking out Devon is better. Dude, can you writer her number and how to go to your University?”  Iniabot ni Ivan ang papel at ballpen.  Parang gustong gusumutin at ibato ni James ang papel pero nagtataka na naman niyang tinanong ang sarili, what the hell is wrong with you. Atsaka kinuha ang cellphone para isulat ang number ni Devon at directions papuntang University

Mga ten o’clock na ng gabi nakauwi ng bahay si Ivan on that Monday. Maraming siyang ikunwento kay James, ang pagtulong ni Devon sa shopping at dinner.  Inisip na lang ni James na naghahanap din ng ibang kaibigan at kasama si Ivan.  Ang laking gulat na lang niya ng magsabi si Ivan na sasamahan siya ulit ni Devon the next day after work.  Hindi ito natapos ng Tuesday, nasundan ng Wednesday movie date ni Devon at Ivan, noong Thursday, park at dinner naman ang itinerary ng dalawa. At ngayong Friday, malling at dinner na naman. 

At dahil na din sa palaging magkasama si Ivan at Devon for the entire week, si Ann at James naman ang naiiwan na mag-dinner together.  Minsan mas gusto na lamang niya sa bahay, pero para din naman pagbigyan ang nalulungkot at nagiisang si Ann, kumakain na lang din sila sa labas.

Kararating lang ni James at Ann sa bahay, and James’ mood has not changed nor improved. Lalo na lamang siya nainis ng marinig na nagtatawanan si Ivan at Devon sa terrace ng apartment nina Devon at Ann.

“You’re here already.  You’re medyo early ha,”  pabirong bati ni Ann. Nakita naman ni James na parang nanlaki ang mata ni Devon na parang nagwa-warning kay Ann. Deretso namang pumasok ng bahay si Ann, samantalang nagpaalam din si Ivan na makikigamit ng banyo.  Naiwan si Devon at si James at umupo si lalaki sa tabi ng dalaga.

Tiningnan ni James si Devon. I miss her, wika ni James sa sarili.  Nakita naman ni Devon na nakatitig sa kanya si James. Dyoskong lalaki to, parang tumalon ang puso ni Devon.

“Why are you staring at me,” tanong ni Devon kay James.

Umiling si James, pero hindi pa din inalis ang tingin sa dalaga.  “I’m thinking that I haven’t seen much of you this week.”

Inalis ni Devon ang mata kay James at ngumiti.  “Palagi kasing nagyaya si Ivan, nagpapatulong. I can’t refuse him.”

Kumunot ang ulo ni James at sumagot. “You can’t refuse Ivan. But you’re full of excuses whenever I asked to take you home before.”  

Natigilan si Devon. Napatingin na naman siya kay James at nakita na nakatingin ito sa kanya na tila naghhintay ng sagot.  Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang dahil sa nagrequest si Ann, tanong ni Devon sa sarili. Bago pa mana makapagsalita si Devon, lumabas na sina Ann at Ivan na may dalang chichiria. 

Tumayo kaagad si James at nagpaalam, “I’m not feeling well guys. I need to sleep.”

Tututol pa sana si Ivan at si Ann pero tumalikod na si James at umuwi.  Naiinis si James sa sarili. Why am i so affected, so let her go out with Ivan. I don’t care.  Pero bakit parang may tumututol at nagsasabing he really cares.

*****

Nakahiga sa sofa si James habang nanunood ng TV. Saturday, hindi siya sumamasa mga officemates na nagyaya na lumabas at gumimik.  Pagkagaling sa gym, naisipan niyang magmovie marathon na lamang.  Nagmamadali naman bumaba ng hagdan si Ivan, pormang porma ito.

“Where are you going? Just one week after arriving and you have more social life than I do,” pabirong wika ni James.

“I’m taking Devon out for dinner,” nakangiti naman sagot ni Ivan.

Napaupo si James at inalis ang mata sa pinapanood. “You’ve been taking Devon out for the entire week, what’s the big deal?”

“This is different. I asked her officially, I said that this is a date,” nakangiting sagot ni Ivan at umupo sa tabi ni James. 

Nagulat naman si James sa sinabi ng kaibigan. “What did she say?”

Napangiti lang si Ivan at nagtaas ng balikat. “I guess she said yes.”

Ano ba talagang naging reaksyon ni Devon?  Nang marinig ni Devon ang tanong ni Ivan kung pwede siyang yayain na kumain si labas, ang akala niya ay iyong mga normal lamang na hapunan nilang dalawa.  Pero ng sabihin ni Ivan na he’s asking Devon out for a date. Natulala ang dalaga. Noong una ay humindi siya. Nagpaalam kay Ivan na kukuha ng tubig kasi naririnig niyang nagwawala ang puso niya.  Ilang taon na ba kasi akong hindi nakikipag-date, maktol ni Devon.

Narinig pala ni Ann ang conversation ni Ivan at Devon. “Hindi mo tatanggapin yung date?” tanong ni Ann habang umiinom si Devon ng tubig.

Umiling si Devon. “Ano ka ba, kaibigan lang yun noh. Atsaka, isang linggo pa lang kami magkakilala.”

“Iyon na nga eh, you’d get to know each other more,” udyok ni Ann.  “Atsaka, isipin mo na lang.  James and I are slowly getting together, kayo din ni Ivan. Ang cute di ba? BFFs!  You got to accept the invitation, unless you’re waiting for somebody else.”

Napaisip si Devon. Sino ba naman nga kasing hihintayin niya? Kaya noong paglabas niya ng kusina ay pinuntahan niya si Ivan, nag-goodnight siya sa binata at sinabing okay siya na makipagdate.  At bukas na bukas na din ang date nilang dalawa, wika ni Ivan.

Kung si Ivan excited, si Devon kinakakabahan at hindi mapalagay. Pinagsuot siya ni Ann ng isang simple and cute red dress. Dress to kill, sabi nga ni Ann. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok at may light makeup.  Nang marinig niya ang boses ni Ivan sa sala, tiningnan niyang muli ang refelction sa salamin at saka binulungan ang sarili ng Aja!

*****

The night and dinner was wonderful. Ipinaramdam ni Ivan na si Devon ang pinakamaganda at pinakaimportanteng babae sa restaurant. Masarap kausap si Ivan, pero feeling ni Devon may kulang. Hindi niya masabi kung ano iyon, basta naghahanap siya ng iba.  Naalala niya ang reaksyon ni Ivan noong nakita siya, natulala ito at napasabi ng “You’re so beautiful.”  Pero hindi iyon ang napansin niya, nakita niya ang titig ni James na tila malulusaw siya. Kung pwede lamang mag-blush and dulo ng buhok niya, nangyari na yun.  “She looks like a Barbie doll,” wika ni James. 

Inilalayan ni Ivan si Devon sa naghihintay na taxi, hindi pa kumukuha ng kotse si Ivan dahil hindi pa din siya sanay magmaneho sa Maynila.  Nanood sila ng isang play pero ang nakangangang reaksyon pa rin ni James ang nasa isip ni Devon.  Ang pagbati sa kanyang mukha siyang manika at ang titig nito noong  sumakay sila ni Ivan sa taxi. Nakakunot ang noo nito, halatang hindi masaya. Hanggang sa pagkain nila ng dinner, ito pa din ang nasa isip ni Devon. Kung lumilipad naman ang isip ni Devon, hindi ito pansin o baka hindi talaga pinansin ni Ivan.

Matapos ang dinner, nagdecide si Devon na magpahatid na sa bahay.  Habang nasa taxi, hindi mapigilang magtanong ni Ivan. “Is there’s something wrong?”

Natigilan si Devon at tumingin kay Ivan. “No, nothing’s wrong. Pagod lang ako.”

“It’s a good thing we’re going home na.  You need to rest,”  wika ni Ivan at hinawakan niya ang kamay ni Devon.

Inalis naman ni Devon ang kamay niya at nagsabi ng salamat kay Ivan. Pagdating sa apartment, inalalayan ni Ivan si Devon sa pagbaba ng taxi.  

Nakaramdam ng guilt si Devon kaya nagsalita siya. “I’m sorry Ivan ha.  Hindi ako masyadong okay na companion ngayon gabi. Sobrang pagod lang talaga. Babawi ako, balang araw.”

Ngumiti si Ivan at hinawakan ang buhok ni Devon. “No need to feel bad. Maraming next time. Good night.”  Kinabig ni Ivan papalapit si Devon at hinalikan sa pisngi.

Nagulat si Devon. Pero mas nagulat siya ng makita ang nakangisi  na si Ann. Kaba naman ang naramdaman ni Devon ng makita ang nakatayong si James sa pintuan, katabi si Ann.


Chapter Eight

Hindi alam ni Devon kung anong mararamdaman. Walang dapat ikahiya kasi isang harmless kiss lamang ito sa cheek, pero bakit noong nakita niya si James na nakatayo sa pintuan ay guilt at pagsisisi ang kanyang naramdaman.  Although, mahirap basahin ang mukha ni James pero halatang hindi nito gusto ang nasaksihan.

Hindi na rin alam ni James kung anong nangyari, basta noong nakita niya na hinalikan ni Ivan si Devon sa pisngi, he felt rage.  He felt something inside na nagsusumigaw.  Lumapit siya kay Devon at Ivan, hinawakan ang kamay ni Devon at hinila ito palayo. Palayo sa apartment. Palayo kay Ivan.  Gulat na gulat naman si Ivan at si Ann sa naging reaksyon ni James.

“Let me go,” paulit-ulit na sinasabi ni Devon. Mga limang minuto na rin silang naglalakad at nagpupumiglas si Devon ng biglang tumigil si James.  Hindi ito nagsasalita.  “What is wrong with you,” galit na galit na wika ni Devon.

Hindi pa din nagsasalita si James.  Nakatalikod ito, pero alam ni Devon na galit ito.  Napailing si Devon at tumalikod na para bumalik sa apartment. “Don’t go,” mahinang wika ni James. “I don’t like it when you go out with Ivan.”

Nagtataka na si Devon sa naririnig niya mula kay James. Kumakaba ang puso niya. “Bakit?”

“My mother left my father when she found out that the family business failing,” salita ni James. 

Nasaktan si Devon sa naririnig at gustong ipahiwatig ni James.  “Hindi ako gold digger,” malakas na sagot ni Devon. “Wag mo isipin na kaya lang ako nakikisama sa kaibigan mo ay dahil I’m after his money. Alam kong mahirap ako, pero hindi ako ganung klaseng tao.”  Tumulo ang luha ni Devon at tumalikod siya.

Hinabol siya at hinawakan ni James sa braso. “That’s not what I mean. Just listen.”  Pinunasan ni Devon ang mata.  Itinuloy ni James ang kanyang sinasabi, “My father was devastated. He loved my mother so much.  I saw what love and being hurt did to him. I can’t let that happen again.  I can’t get my emotions involved.”

“What do you mean by getting emotinally involved,” nagtatakang tanong ni Devon. “What does it have to do with me and going out with Ivan?”  Malakas ang kabog ng puso ni Devon. Humarap sa kanya si James.

“Basta, please,” wika ni James habang nakahawak sa mga balikat ni Devon.  “I can’t...”

Lalo namang nalito si Devon sa sinasabi at sa pakikiusap ni James. “I don’t understand. Bigyan mo ako kahit isang rason, concrete reason, bakit mo sinasabi yan. Bakit hindi ako pwedeng lumabas kasama si Ivan?”

Hindi nakapagsalita si James, hindi rin niya alam kung anong sasabihin. Napabuntung-hininga si Devon sa inis at humakbang na para umalis. Hinila ni James si Devon at niyakap ng mahigpit.  Natulala si Devon sa ginawa ni James. Narinig niyang mahinang bumubulong si James, “I can’t.”   Napapikit si Devon. Parang nawala ang lahat ng sama ng loob niya, pagod, sakit ng ulo, lahat. Ang tanging natira lang ay si James at siya. Alam na ni Devon, sa oras ding iyon, mahal niya ang lalaking kayakap niya. 

It’s as if, the world has stopped. Nothing matters, it’s just Devon and me, bulong ni James sa sarili. I don’t know when this started or what I feel, but I feel something. Hindi maintindihan ni James ang sarili. Nalilito siya.

Kalokohan to, mahal ka ng kaibigan ko, bulong ni Devon sa sarili. Hindi ko kayang saktan si Ann. Pilit na kumawala si Devon sa yakap ni James. “I can’t stop seeing Ivan.”

Parang natulala si James sa sinabi ni Devon.  Is she falling for him¸ gustong itanong ni James. Pero iba ang lumabas sa bibig niya, “Why are you so stubborn?”

Tumaas ang kilay ni Devon, “Sabihin mo sa akin, James, baket? Give me a reason.” Sabihin mo lang James na may nararamdaman ka kahit konti  lang, kahit hindi mo alam kung anong tawag dun. Kahit crush lang. Basta kahit ano na magsasabing what I feel for you is not one-sided, mabilis na tibok ng puso ni Devon.

“I said I can’t give you a reason,”  frustrated sa sigaw ni James. Natigilan si Devon at umiwas siya ng tingin sa binata. Eksakto namang narinig nila ang boses ni Ann at Ivan na tinatawag ang kanilang mga pangalan.  

Humihingal na dumating si Ann, kasunod niya si Ivan.  What happened, you just stormed off,” nagtatakang tanong ni Ann kay James.  Umiling naman si James.  Tumingin naman si Ann kay Devon.

“Kinausap lang niya ako. Wala yun. Mainit lang ang ulo,” sagot ni Devon kay Ann at mabilis na lumakad palayo. 

Naiwan si Ivan at tinatnong niya si James, “Dude, what the hell happened?”

Umiling si James. “I just asked her something. Just want to make sure nobody gets hurt.” Nagtataka siyang napatingin kay James na naglakad na rin pauwi sa apartment. 

Samantala si Ann naman hindi niya mapigilan ang magtanong kay Devon, “Anong nangyari? When James dragged you, akala ko, kung bakit. Baka nagselos nung nakita niya kayo ni Ivan. What did he say?” Nagaalala si Ann, alam yun ni Devon, kitang-kita sa mukha ng kaibigan.  “Did he say anything to you? About liking somebody else?”

“Wala yun. Gusto lang niyang maliwanagan about me and Ivan,” wika ni Devon. “Wala siyang sinabi about liking somebody else.”  Tumalikod siya kay Ann at itinago ang luha mula sa mata niya. “It was nothing.”

*****

“Anong it was nothing,”  nabiglang wika ni Fretzie kay Devon. “It was something. Obviously, hindi kayang sabihin ni James ang reason niya. He likes you. Baka nga more than like pa.”

Napailing si Devon habang bumababa sila hagdan. “Hindi nga makapagbigay ng reason. Atsaka kahit na, alam naman nating gusto siya ni Ann.”

“Hay nako,” galit na sagot ni Fretzie. “Ilang beses na yan ha. Palagi na lang yung happiness ni Ann ang iniisip mo, paano ka naman?”

Tumingin si Devon kay Fretzie at ngumiti. “Masaya naman ako.”

Napailing si Fretzie sa sinabi ni Devon. “Ewan ko sayo.”  Naisip ni Devon, buong Sunday siyang nagmukmok sa kwarto. Ayaw niyang lumabas ng bahay dahil alam niyang makakasalubong niya si Ivan. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Alam din niyang magkikita sila ni James kaya nagkulong na lang siya sa kwarto. Hindi siya handang makita si James.

Bago siya matulog, matapos siyang yakapin ni James, nagdecide si Devon. Kakalimutan niya si James at kung anu man ang nararamdaman niyang kahit ano para sa lalaki.  Sa tingin niya mapag-aaralan namang mahalin si Ivan, at mukha namang seryoso si Ivan sa kanya.

Paglabas nila ng lobby, nakita ni Devon si Ivan na naghihintay. Kumaway ito at nakangiting lumapit kay Devon at Fretzie. Ipinakilala ni Devon si Fretzie kay Ivan.

“I have a new car,”  masayang balita ni Ivan. “I’m giving you both a ride. Kaya lang I’m also giving another friend a ride. Okay lang?”

Ngumiti naman si Devon. “Salamat sa pagsundo.”  Pagdating sa parking lot, nakita nila ang isang matangkad at good-looking na lalaki na nakasandal sa kotse.  Brown ang buhok nito at mukha ding foreigner.  Ipinakilala ni Ivan ang kaibigan foreigner at kasama din niya sa trabaho, si Bret. Hindi naman maiwasan na mapangiti si Devon ng makita ang ngiti at titig ni Bret kay Fretzie, at ang namumulang pisngi ni Fretzie. 

Pabulong na niloko ni Devon si Fretzie, “Mayroon naman palang ibang masaya ngayon.”  

Tinapakan ni Fretzie ang paa ni Devon at sinabi, “Sumakay ka na lang sa kotse.” Hindi naman napigilan ni Devon ang mapatawa.


Chapter Nine

Ang isang araw, naging tatlo. Ang tatlong araw, naging isang linggo.  Ang isang linggo, naging isang buwan.  Ganoon kabilis lumipas ang panahon. Hindi na napansin ni Devon ang mabilis na pag-usad ng mga araw.  Nilunod niya ang sarili sa trabaho. Paminsan-minsan lumalabas siya kasama ni Ivan, Bret at Fretzie.  Pilit niyang iniiwasan na lumabas kasama si Ann dahil alam niyang palaging si James ang kasama ng kaibigan na lumabas.

Gaano ba kahirap ang turuan ang sariling hindi mahalin ang isang tao? Lalo na kapag malimit mong naririnig ang boses, nakakasalubong sa labas ng bahay, inihahatid sa sarili mong pintuan ang kaibigang sinamahan niyang kumain sa labas.  Sabi nila, kapag hindi mo nakikita, maaring turuan ang puso at isip na lumimot. Pero paano kung kahit pumikit ka, siya pa rin ang nakikita?

Napabuntunghininga si Devon. Familiar territory na to, desperadong bulong ni Devon sa sarili. Ilang beses na ba kasi akong na-inlove pero si Ann ang gusto. Pero bakit parang sobrang sakit kapag nakikita ko sila ni James?  Napatingin si Devon sa malakas na ulan na bumubuhos sa labas ng opisina. Dapat immune na ako.

Kaninang umaga, habang hinihintay ni Devon si Ivan sa labas ng gate, lumabas na din si James ng apartment. Tumingin sa kanya at binati siya ng good morning.  Sumagot naman si Devon, pero hindi na niya alam kung ano pang sasabihin niya.  Nagpaalam si James at sumakay sa kotse.  Nagpaalam din si Devon at sinabihan na mag-ingat si James sa pagmamaneho. Hanggang doon na lamang ang naging pag-uusap nila.

“Hay nako,” kunwaring naiirita na sabi ni Fretzie. “May nagde-daydream na naman. Sino kaya ang iniisip?” Parang biglang natauhan si Devon sa sinabi ng kaibigan.

“Baka ikaw,” biro ni Devon. “Parang kanina pang tunog ng tunog yang phone mo. Si Bret yan noh?”
Hindi naman matawaran ang ngiti ni Fretzie sa tanong ni Devon.  Napahalakhak ng malakas si Devon sa kinikilig na kaibigan.  Ang laking gulat naman ni Devon ng marinig na nagri-ring din ang sariling cellphone. Si Ivan. Simula ng magkaroon ng sariling sasakyan si Ivan, palagi na lamang siya nitong sinusundo sa opisina. Pero ngayon nagpapaalam siyang hind madadaanan si Devon dahil sa isang meeting.

“I’m really sorry. I know it’s raining so hard outside,” paliwanag ni Ivan.

Natatawa namang sumagot si Devon. “Ano ka ba, you don’t have to apoligize. Okay lang yun. Kaya ko namang umuwi mag-isa.”  Matapos magpaalam kay Ivan, kinuha niya ang kanyang mga gamit at nagpaalam kay Fretzie na hihintayin si Bret.  Pagbaba niya sa building lobby, malakas pa din ang ulan. Tumigil si Devon sa labas ng building at pinanood ang ulan.  Umiiyak ka din, tanong ni Devon sa langit. Pumikit siya at bumulong, let me be happy.  

Alam ni James na one month ng si Ivan ang palaging kasabay ni Devon umuwi. Pero ngayon hapon, habang malakas ang ulan, parang hinihila siya sa tapat ng building na pinagtatrabuhan ni Devon. What are you doing, galit na wika ni James sa sarili.  Ann is really nice and fun to be with, stick with her. But why do I always have think about Devon, frustrated na si James.  Si Ann ang malimit niyang kasamang lumalabas. Although, maraming kwento at nakakatawa din naman si Ann, palaging may hinahanap si James, may kulang. 

Hindi na napansin ni James na nasa tapat siya ng building ni Devon at naroroon si Devon. Nakatingin sa ulap, hawak ang bag. Nakita niya itong pumikit at tila bumulong.  The rain, her quiet profile, she looks like an angel ready to fly, manghang tingin ni James.   Hindi na napigilan ni James ang sarili, idineretso ang kotse sa tapat ng nakatayong Devon at  bumababa.

“Hey, angel,” nakangiting bati ni James. “Want a ride home?” Napamulat si Devon at napatingin kay James. May gusto ka bang sabihin sa akin universe, let me be happy, tapos heto si James. Hindi nakapagsalita si Devon.  “Unless, Ivan is taking you home.”

Umiling si Devon. “May meeting si Ivan.” Nagulat  si Devon ng makitang ngumiti si James.

“Then I guess, this is my lucky day,” wika ni James at lumapit kay Devon para kuhanin ang kanyang bag. Binuksan nito ang passenger’s door at pinapasok si Devon sa loob. Pagkasakay ni James sa kotse ay mabilig nitong pinaandar ang sasakyan.  “Where do we eat dinner?”

Lalong nagulat si Devon sa tanong ni James. “Huh?”

“Where do we eat?” seryosong tanong ni James.

“Kakain tayo? Baka magalit si Ann,” hirit ni Devon.

“At si Ivan?” naglolokong tanong ni James.

“Of course not,” defensive na sagot ni Devon.

Natawa si James sa sagot ni Devon. Hindi napigilan ni Devon at sarili at malakas na hinampas si James sa braso.

“Ouch!” sigaw ni James. “Why do you always have to hurt me?”

Hindi na napigilan ni Devon ang tumawa at humalakhak siya ng malakas.  Hindi niya ito nagagawa kay Ivan. Totoong tumatawa siya kapag kasama niya si Ivan, pero hindi tulad ng ganito.  Tiningnan naman ni James ang humahalakhak na si Devon, it was never like this with Ann.  

*****

Simple lang ang piniling kainan ni James para sa kanilang dinner, isang pizzeria na wala masyadong tao.  Habang hinihintay ang order, naiilang naman si Devon sa nakatitig na si James. “What’s wrong? Why do you have to stare?”

“Nothing,” nakangiti na sagot ni James na hindi naman inaalis ang tingin kay Devon. “You have a nice forehead.”

“Forehead? You like my forehead. Sige tanggaling ko na tapos ibigay ko sayo,” naiilang na sagot ni Devon.

Napatawa naman si James. “You always make me laugh. Do you make Ivan laugh this hard too?”

Napakunot si Devon. “Ewan ko, hindi ako komedyante. Ikaw, do tell Ann she has a nice forehead, too?”

Natawa lalo si James. “Let’s stop talking about those two.” Tumango naman si Devon sa sinabi ni James. Pinagkuwentuhan nila ang kanilang mga trabaho at ang napapansin na closeness sa pagitan ni Bret at Fretzie. Inilabas naman ni James ang frustration sa trabaho at samg athletes na covered ng kanyang program. Pagkatapos maghapunan, pinagawayan pa nilang dalawa kung sino ang magbabayad ng bill.  Hanggang sa mapagdesisyunan nilang hatiin ang dinner, matapos itapat ni Devon ang hawak na tinidor sa mata ni James.

“You’re really violent sometimes. You’re really tough,” puna ni James habang nakaupo sila sa hood ng sasakyan at kumakain ng ice cream. Pagkatapos ang dinner at dahil wala na ding ulan, tumungo sila sa Roxas Blvd. at ipinark ang sasakyan.  Bumili sila ng ice cream at yun ang ginawang dessert.

“Hindi, noh,” mabilis na sagot ni Devon. Tumaas naman ang kilay ni James. “Marshmallow din ako. Nasasaktan din.” Napatingin si Devon at isinubo ang hawak na ice cream cone.

“Like when,” tanong ni James.

Kapag nakikita kokayo ni Ann, gustong sabihin ni Devon. “Kapag may mga bagay na gustung-gusto mo pero hindi naman pupwede.”

“Why not pwede?” tanong ni James. “Maybe you’re just thinking that it’s not for you, when it’s really meant to be for you.”

Napatingin si Devon kay James. Paano kung hindi talaga? “Enough about me, ikaw na lang. You rarely talk about your feelings. Sige nga, tough guy ka din ano,” wika ni Devon habang sinusundot ng hintuturo ang tagiliran ni James.

Hinawakan ni James ang kamay ni Devon, namula si Devon at pilit na hinila ang kamay niya pero hinigpitan ni James ang hawak sa kamay. “I’m not tough. When I’m with you, I’m not.”   

Napatingin si Devon kay James, gusto niyang magtanong. Pero pinigilan niya ang sarili, siguro mas okay na yung hindi ko alam. Tahimik na lamang nilang kinain ang ice cream, bago ito matunaw.



Chapter Ten

Nagising si James at napatingin sa labas ng umaandar na van. Pinigilan niya ang gumalaw, ayaw kasi niyang magising ang natutulog na katabi.  Nakita niyang nakahilig ang nahihimbing na si Devon sa kanyang balikat, at ngumiti siya. Inilapit ni James ang kanyang mukha sa buhok ni Devon at tumingin sa labas ng bintana.  I can’t believe this, napangiti si James.

Birthday ng kaibigan ni Devon na si Fretzie.  As a surprise, kinausap ni Bret ang isang kamag-anak sa Laiya, Batangas para mahiram ang rest house nito.  Doon sila mag-celebrate ng birthday. Tiningnan ni James ang nagmamanehong si Bret, katabi si Fretzie. Kanina pa sila nag-uusap, parang hindi maubusan ng kwentuhan. Mamaya ay sinubuan ni Fretzie ng banana chips si Bret. Napailing si James, they obviously like each other, why deny it to everybody.  Kapag tinatanong si Bret at Fretzie ng relationship status nila, ay pareho lang ang sagot nila, “we’re taking our time.”

Napatingin naman si James sa natutulog din na Ivan sa unahan nila.  Nakahiga si Ann sa lap ni Ivan at parehong may nakalagay na headphones sa kanilang mga tenga.  Napatingin ulit si James sa natutulog na si Devon at napailing. It’s so freaking hard to sit beside you, isip ni James habang inayos ang nahulog na buhok ni Devon sa kanyang mukha.  Nauna siyang sumakay sa van ni Bret at kaagad na hinila si Devon kahit kausap pa nito si Ivan.  She’s sitting beside me, no matter what, desididong wika ni James sa sarili.  

Pumasok ang van sa isang maliit na daan at bumaba ito para buksan ang gate. Tumingin naman si Fretzie sa kanila at napangisi ng makitang gising nap ala si James.  “Gising na sleepy heads. Andito na tayo, ” announce ni Fretzie.

Bahagyang nagmulat ng mata si Devon at laking gulat ng makitang nakahilig siya kay James. Bigla siyang umupo at tumingin sa katabing binata.  “You drooled while sleeping,” biro ni James. Nagulat si Devon at biglang napahawak sa bibig, pero tuyo naman pala ito. Malakas na hinampas ni Devon si James at malakas namang sumigaw si James. “Not again!”

“Stop making fun of me,” kunwaring galit na wika ni Devon bago ito bumaba at kinuha ang gamit.  Tuwang-tuwa si Devon ng makita ang isang bungalow. Malapit lamang sa terrace ng bahay ang dagat. Puting-puti at pino ang buhangin.  Parang gusto na ni Devon itapon ang bag at lumusong sa tubig. Eksakto namang tumayo si Bret sa tabi niya.

“What do you think,” tanong ni Bret.

“This is a great gift for Fretzie,” nakangiting wika ni Devon. “Ang swerte ng kaibigan ko.”

“Hindi,” wika ni Bret. “Ako ang lucky, kasi dumating siya sa buhay ko.” Napangiti si Bret habang nakatingin kay Fretzie na papasok sa loob ng bahay. “Bakit ba ang cheesy ko? Tara pasok tayo.”

Isinama sila ni Bret sa loob ng bahay at itinuro ang bedroom ng mga lalaki at ng mga babae.  Inaayos ng mga babae ang gamit ng biglang pumasok si Bret sa kwarto at tinawag si Fretzie.  Nang lumabas si Fretzie, naiwan sa kwarto si Devon at si Ann. Hindi nakapagpigil si Ann. 

“Why do you have to sit beside James for the entire trip,” frustrated na hirit ni Ann.

Napabuntunghininga si Devon.  Heto na naman kami, exasperated na bulong ni Devon sa sarili. “Ano naman? Magkaibigan naman kami nung tao.”

Naiinis si Ann na inilagay sa cabinet ang kanyang mga damit. “Look, clearly you’re not helping me. I don’t know what I did to you to deserve this. I’ve been helping you since college.  Pero parang wala ka namang ginagawa para ako naman ang maging masaya. Parang ako naman yata ang ayaw mong tulungan ngayon.”

Natigilan si Devon sa huling sinabi ni Ann. Halata niya, nagagalit si Ann sa kanya.  “Bakit ka ba nagagalit, Ann? Alam kong malaki ang utang na loob ko sayo, kung yung perang itinulong mo sa akin nung college, binayaran naman kita. I’ve repaid you for the last four years, kung anong request mo sa akin, ginagawa ko. Sinabi mong ipagluto kita, gagawin ko. Sabihin mong kelangan mo ng assistant sa modelling sched mo, nandyan ako.”

Lumakad si Ann sa pintuan at halatang aalis, pero bumaling siya kay Devon at sinabi, “All I want now is for James and I to be together.”  Napaupo si Devon sa kama, pagkalabas ni Ann. Alam ni Devon na may alam si Ann. Alam ni Ann na may nararamadaman si Devon para kay James, kung gaano man kalalim ang pagtingin na yun, hindi niya alam.

May narinig na katok si Devon sa pintuan at nakita niya si James.  Ngumiti si James at umupo sa tabi ni Devon. “C’mon, let’s swim.” Napatingin si Devon kay James.  Nagulat si James sa intense na tingin ni Devon. “Is there something wrong?” tanong ni James.

Tumungo si Devon. “I think you should ask Ann to go swimming with you.” Tumayo si Devon para lumabas ng kwarto. Hinabol siya ni James at pinigilan. “Kasi kung sasama ako, baka may masaktan lang.”

“What’s that about?” habol ni James.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Devon. “She likes you. We both know that. Sa tingin ko mas magiging okay ang lahat kung si Ann na lang magiging kasama mo at hindi ako.” Bago pa man makasagot si James, lumabas na ng tuluyan ng kwarto si Devon.

****
Pinapanood ni James ang paglubog ng araw. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang palaging kailangang iwasan siya ni Devon. Whole freaking day, naiinis na buntong-hininga ni James. She avoided me the whole day and stuck with Ivan and Fretzie the whole day, just like glue. Napahawak siya sa batok at napatungo. Why get so frustrated, James. Why?  Hindi napansin ni James na tumabi sa kanya si Ann habang nagmumuni-muni.

“A penny for your thoughts?” tanong ni Ann. Napatingin si James kay Ann at pilit na ngumiti.  “You’re so serious.”

Umiling naman si James. “It’s nothing.” Ayaw ni James makipag-usap, wala talaga siya sa mood. “Where are the others,” tanong ni James at akmang tatayo.

Hindi na napigilan ni Ann ang sarili. “James, I love you.”  Natigilan si James sa sinabi ni Ann at napatingin ng matagal sa dalaga. Ipinagpatuloy ni Ann ang pagsasalita, “Ever since na nakita kita, alam ko na. Naramdaman ko dito.”  Nanginginig na itinuro ni Ann ang puso. 

“But I don’t,” simula ni James.

“Please don’t. Not now, at least think it over. I don’t want to get hurt,” wika ni Ann.

“Okay,” sabi ni James.

“Thank you,” sagot ni Ann at yumakap siya kay James.  Mahigpit.  And in that moment, James wished it was somebody else. Or perhaps he already imagined she was somebody else, kasi humigpit ang yakap niya kay Ann.  Naramdaman yun ni Ann.  She pulled away at hinalikan si James sa labi.
Ang hindi nila alam, naroon si Devon sa likod ng isang puno ng niyog. Nakatayo at nadudurog ang puso. 

****

Hinahanap ni Devon si Ann, gusto niyang kausapin ang kaibigan. Sabihin na walang kahit ano sa pagitan nila ni James. Gusto na niyang bumalik sa dati, pero noong makita niya si Ann at si James na magkayakap sa buhanginan, parang may kung anong naputol sa loob niya. Hindi lang naputol, kundi gumuho.

Nang makita ni Devon na hinalikan ni Ann si James, parang umikot ang paningin niya. Nagmamadali siyang tumalikod at naglakad.  Halos hindi na niya makita ang dinadaanan dahil sa mga luha. Ang t a n g a mo kasi Devon.  Bakit ba hindi ka nadadala? Akala mo lang merong nararamdaman para sa iyo si James, pero ang totoo, si Ann talaga. Hindi ikaw.

Masakit ang realizations, pero ang makita sa aktuwal, parang hindi kinaya ni Devon. Hindi niya napansin si Ivan at nabunggo ito. “Hey, where’ve you been,” tanong ni Ivan. Pero biglang nawala ang ngiti ng binata ng makita ang umiiyak na si Devon.  Niyakap ni Ivan si Devon.  “What’s wrong?”

Gustong sumagot ni Devon, dahil mahal ko si James. Dahil alam kong mahal siya ni Ann at ganoon din si James kay Ann. Dahil t a n g a ako. Pero lahat ng gustong sabihin ni Devon ay nawala. Niyakap siya ng mahigpit ni Ivan at lalong umiyak si Devon.

****

Itinulak ni James si Ann at gulat nagsalita, “What’s that? I told you, I don’t feel anything for you. Don’t push it.” Tumayo siya at iniwan si Ann.  Hindi niya pinansin ang tawag ni Ann. I need Devon, desididong wika ni James sa sarili.

Pero hindi niya inakala na ang makikita niya ay ang mahigpit na yakapan ni Ivan at Devon sa tabi ng bahay.  Hindi niya nkita na umiiyak si Devon at ang tanging napansin niya ay parang walang pakialam ang dalawa sa kung sino man ang makakita sa kanila. Even if it’s me, bulong ni James. Tumalikod siya at naglakad. Papalayo kay Devon at Ivan, papalayo kay Ann. Dahil ayaw niyang ipakita na nasaktan siya. Dahil baka may makarinig na nabasag ang puso niya. Dahil baka may makakita na  may luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Powered by Blogger.