Aug 20, 2010

Us? It's Undeniable (Chapters 1-3)

Chapter One

“Kapag hindi mo tinantanan ang aso ko, hindi ako magdadalawang isip na ihampas 'to sa ulo mo!” malakas na banta ni Devon sa lalaki sa kabilang bakod ng kanilang apartment.  “Naririnig mo ba ako?”

“The entire village could hear you!” malakas din na sagot ni James sa maliit na babaeng nasa kabilang bakod. 

Nanlilisik ang mga mata ng babaeng nasa harapan niya.  Sayang, she’s really pretty, ,  bulong ni James sa sarili.  Nakahalter siya ng pula at kupas na maong shorts.  Morena, maputi ang mga ngipin at may magandang hugis ang mukha.  Nakapusod ang mahaba nitong buhok at mayroong suot na eyeglasses.   Pero mas nakakuha nang atensyon ni James ang dos por dos na hawak nito at inaambang ihampas sa kanyang ulo.

Muntik nang mahuli ni James ang maliit na asong lumulusot sa pagitan ng mga rehas na bakod na naghihiwalay sa dalawang apartment yunit.  Halos isang linggo na niyang napapansing nawawala ang kalahati ng kanyang tsinelas o kaya't tila nginatngat ang kanyang mga sapatos.  Noong ipinasok na niya ito sa loob nang bahay ang kanya namang mga halamang nasa paso ang napaginitan ng maliit na halimaw.  At kahapon pa nga, ay muntik na niyang matapakan ang duming iniwan nito sa kanyang garahe.  Muntik na niyang maabutan ang pasaway na aso nang lumusot ulit sa bakod at doon na siya sinuimulang ambahan ng cute na babaeng nasa harapan niya. 

“We could talk about this. I really have a huge problem with your dog,” wika ni James.  Nakita niyang bahagyang namula ang psingi nang dalaga.  Inayos niya ang salamin sa mata, pero hindi pinansin buhok na nahulog mula sa kanyang tali. 

“Eh, makikipag-uysap ka din pala, bakit kailangang hampasin mo pa ang aso ko,”  mataray na sagot ni Devon sabay nguso sa hawak na tubo ni James na ginagamit niyang panghabol sa aso.

“ Okay, I’m unarmed. How about putting that down?” Sabay nguso sa hawak ni Devon na kahoy.

Ibinaba ni Devon ang hawak na kahoy at nakapamewang na lumapit sa lalaki.  Gwapo din naman pala, bulong ni Devon sa sarili.  Halos anim na talampakan siguro ang taas nang lalaki, maputi at matangos ang ilong.  Hindi gaanong malaki ang pangangatawan pero well-built ito. Ang sabi ng kanilang landlady, isang half-Australian, half-Pinoy daw ang kanilang bagong kapitbahay.  Umuwi daw ng Pinas nang tanggapin ang isang career opportunity, at para na din makilala ang Pinoy relatives.

“I think, we started on the wrong foot,” pasimula ni James.  “ I’m James Lacsamana,” sabay abot ang kamay kay Devon.

Kinuha naman iyon dalaga at nagpakilala, “ Devon Estana.”

Parang nakaramdam si Devon ng bahagyang kuryente ng maglskapat ang kanilang mga palad.  Kung naramdaman iyon ng kaharap niya ay wala itong ipinakitang ebidensiya sa mukha nito.  Ano ba naman Devon,  galit na bulong sa sarili, nakakita ka lang ng gwapo kung anu-ano nang nararamdaman mo.

“About your dog,” pasimula ni James.  “I assume, it’s yours?”

“Oo, aso ko nga si Odi, “ sagot ni Devon.

“He’s been getting through the fence for the entire week. He has been chewing on my shoes and slippers.  And now, I think he’s eyeing my plants.”

Pinakinggan ni Devon ang reklamo ni James.  Dati pa naman kasing inirereklamo nang mga kapitbahay si Odi, pero hindi naman niya magawang ilagay sa kulungan o itali dahil naawa siya dito.  “Paasensiya na,” paumanhin ni Devon.  “Kakausapin ko na lang siya.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni James, “ Kakausapin? You’ll talk to your dog?”

“Oo, nakikinig naman yun eh, “ napangiti si Devon.  Matagal na din akong hindi nakakapag-date, hindi kaya nakakahiyang imbitahin ang lalaki ito, bulong ni Devon sa sarili.  O baka naman ako ang imbitahan niya, at nahihiyang namula ang pisngi ni Devon.

At habang nag-iimagine si Devon, narinig niyang bumukas ang pinto nang kanilang yunit at lumabas ang kanyang kababatang si Ann.

“Devon, nakakalat na naman yung mga libro mo sa sala,” malakas na puna ni Ann sa kaibigan.  At saka ngumiti nang buong giliw sa kausap nang kaibigan “Ay, hi, may kausap ka pala?”

Alam ni Devon na kanina pa nakita ni Ann mayroong siyang kausap.  Kapansin-pansin kasi ang mga namumulang pisngi ni Ann na tila kakalagay lang blsh-on at ang nangingintab nitong mga labi na mukhang kakalagay lamang din nang lip gloss.  Nakalugay ang mahaba ang makintab na buhok ni Ann.

Walang nagawa si Devon kundi ipakilala si James.  “Si James Lacsamana, bago nating kapitbahay.  Si Ann Cornelio, kasama ko sa apartment.”

Napahugot na lang ng malalim na hininga si Devon. Alam na niyang hindi na siya dapat pang mag-imagine ng “dates” nila ni James.  Ilang beses na nga bang ganoon ang mga pangyayari?  Sa tuwing makakilala si Devon ng lalaki na potential boyfriend na sana, hindi maiiwasang makikilala nila si Ann.  Maganda ang kababata ni Devon, pangmodelo ang tangkad at hubog nang katawan nito.   Sa katunayan nga, sa tuwing makikilala nang mga potential boyfriend ni Devon si Ann, ngingitian lamang sila nang kanyang kababata at kakalimutan na nila si Devon.  Ilang beses na din bang nangyari na ang mga lalaking pinagiinteresan ni Devon ay sa kanyang kababata nanliligaw. 

“Huy Devon, “  mahinang hampas ni Ann sa balikat ni Devon.”

Biglang natauhan si Devon at napatingin sa dalawang taong nakatingin sa kanya. 

“Please forgive my friend, she’s always daydreaming,”  malokong ngiti ni Ann habang kinakausap si James. 

Nagsimulang magkwento si Ann ng tungkol sa village at mataman namang nakinig si James.

Hay, bulong ni Devon sa sarili.  Yun na yun eh... Bye-bye date. At marahang tumalikod si Devon at pumasok sa oob nang bahay nang hindi napapansin nang dalawang taong nag-uusap sa bakod. 


Chapter Two

Nagtatrabaho sa isang research institution na affiliated sa isang  pribadong kolehiyo bilang isang staff-researcher at writer si Devon.  Minsan kahit Sabado kinakailangan niyang pumasok, lalo na kapag mayroong silang ilalabas na bagong academic publication.  Kaya ngayon, maaga pa lang ay nakaligo na siya at nagkakape na nang lumabas mula sa kwarto  si Ann.

“May almusal ba?” tanong ni Ann habang nagbubukas nang ref.

“Hindi na ako nakapagluto, “ mahinang sagot ni Devon.  Ganoon palagi, sa tuwing umaga, si Devon ang nag-aasikaso nang almusal nilang magkaibigan.  Kung palaging busy sa trabaho si Devon sa pagpasok sa trabaho, ganoon naman kaluwag ang sked ni Ann.  Isang freelance model at writer si Ann, kung kaya nakabatay sa mga projects na dumarating ang kanyang mga sahod.  Pero dahil nag-iisang anak si Ann, malaking allowance mula sa kanyang nakakariwasang mga magulang ang nakukuha niya.  Hindi katulad ni Ann, na kinakailangang magtrabaho para kumita at makapagbigay din nang pera sa kanyang mga magulang na nasa probinsya.

“Papasok na ako,”  paalam ni Devon.  “Pakibantay na lang si Odi.  Bigyan na lang siya ng pagkain mamaya.”

Itinali ni Devon si Odi sa labas nang bahay para hindi na din ito makalusot sa bakod.   Binigyan niya muna ito nang tubig at pinagsabihang mag-behave habang  wala pa siya.   

Akala nang iba, dahil nasa opisina lamang ang trabaho ni Devon ay madali na ang ginagawa niya.  Ang hindi alam nang iba, palaging mabigat ang pressure lalo na kapag kailangan ang mga importanteng mga datos.  Palagi siyang nakaharap sa computer para mag-analisa ng mga numero at datos na kailangang basahin. Pagod na pagod siya pagkatapos nang trabaho at gusto na lamang itaas ang kanyang mga
paa pagdating sa kanilang bahay, kumain at matulog.

Pero pagdating niya sa bahay, napansin niyang wala na sa kanyang tali si Odi nang pumasok siya sa kanilang bakuran.  Baka tinanggal na ni Ann sa pagkakatali,  alam naman kasi niyang walang pupuntahan  ngayon si Ann.

Laking gulat na lang niya nang makitang nakaupo sa kanilang sala si James.  “Good afternoon,” gulat na gulat na bati ni Devon

Salubong ang kilay ni James. “ I’m sure you enjoyed your afternoon. And while you’re enjoying somewhere, your dog ate another pair of shoes and also my plants.”

“Ha?” pabiglang sagot ni Devon.  “Imposible yun, itinali ko kanina si Odi bago ako umalis.  Hindi naman kayang putulin nang aso ko ang kadena.  Asan ang aso ko?”

Ibinagsak ni James ang isang kahon at narinig ni Devon ang nagmamakaawang mga kahol ni Odi sa loob nito.

“Your dog is just crazy, it may be rabid. He even wants to bite me,” nakasimangot na wika ni James.

“Imposible ngang makawala si Odi sa kadena niya,” depensa ni Devon.  “ Atsaka hindi siya nangangagat ng tao.”  Pero parang umurong ang kanyang dila nang makita niyang tastas ang laylayan  ng pantalon ni James na tila nginatngat ng malilit na tuta.  Kailangang magbago nang atake, bulong ni Devon sa sarili.  Sabi nga nila the best defense is offense. 

Ano naman kasing ginawa mo na ikinagalit ng aso ko,” atake ni Devon.  Binuksan niya ang kahon at tuwang-tuwa namang tumalon sa kanyang amo si Odi. 

“I’m telling you, your dog is crazy. He might have got it from you,” tumaas na ang tono ni James.

“Huwag mo akng sigawan, at hindi ako baliw,” sigaw din ni Devon sa kausap.  Napansin ni Devon na tila may sugat sa ulo si Odi at bahagyang mayroong dugo na namumuo dito.  Lalong tumaas ang presyon ni Devon.  “At bakit may dugo sa ulo ang aso ko,” malakas na tanong ni Devon sa lalaki.

“It’s self defense,” galit na sagot ni James.

“Yang laki mong yan, kailangan mo pa ng self-defense.  Tandaan mo, dog-abuser, isusumbong kita sa awtoridad!”

Sarkastikong napangiti si James na parang naghahamon, “And who is that?”

“Isusumbong kita sa --,” natigilan si Devon.  “Isusumbong kita sa Malakanyang!”  Pagalit na sagot nito bago tuluyang pumasok nang kusina bitbit si Odi.   Inispeksyon niya ang sugat ni Odi at nakahinga siyang ng maluwag nang mapansing maliit at mababaw lang naman pala ang sugat. Ibinaba niya si Odi at binigyan nang pagkain. 

Halos isang oras na ang nakaklipas, sumilip si Ann sa kusina.  “Pwede na ba? Malamig na ba?”

“Pwede na,”  sagot ni Devon.  “Pumutok na naman ako.  Sabi ko sa sarili ko hindi na ako magiging mataray.  Pero talagang nakakainis na talaga yung lalaki na yun eh. Paano kasi nakaalis sa tali niya si Odi,” tanong ni Devon sa kaibigan.

“Uhm it’s my fault,” amin ni Ann.  “Nabuhol kasi siya sa tali niya at hindi makahinga, naawa naman ako.  Pero noong  inaayos ko naman yung tali nya, nakawala siya at hindi ko na siya naghabol. “

Napabuntunghininga si Devon.  “Nakakahiya naman sa kanya dapat siguro akong magsorry no?”

“May buong gabi ka naman para gawin yun?” sagot ni Ann.  Nagtatakang tumingin si Devon sa kaibigan.  “Inimbitahan ko siya dito at sinabing dito na maghapunan.”

“Ha? “ galit na sagot ni Devon.  “Anong ipapakain mo sa kanya, boiled egg?”

Wala kasing alam lutuin si Ann kundi boiled egg.  “Hindi ah, syempre yung masarap,” nakasimangot na sagot ni Ann.

Napangiti si Devon sa kaibigan. “Goodluck,” wika nito habang papalabas na ng kusina kasunod si Odi.

“Teka,”  habol ni Ann.  “Kaya ko nga sinabi sa 'yo kasi kailngan ko ng tulong mo. Please.” 

Pagmamakaawa ni Ann.

Napatingin si Devon sa kaibigan, at nakita ang nagmamakaawa nitong mukha.  “Sige na.”

“Yehey,” masayang sagot ni Ann.  “Sige i-entertain ko lang muna siya.”

“Teka,” habol naman ni Devon. “Sabi mo tulungan kita, hindi yung gawin mo ako cook mo.”  Pero wala nang narinig si Ann dahil nakalabas na ito nang kusina. 

Inis na inis si Devon at nagsimulang buksan ang ref.  Nagdesisyon si Devon na magluto na lamang sweet and sour pork. Nakakita rin siya ng mga gulay kaya iginisa na lamang niya ito. Inis na inis na bumubulong si Devon si sarili, gusto ko ng magpahinga. Hindi niya hinugasan ang pinaglutuan, ipapahugas niya iyon kay Ann.  Ilang beses niyang tiningnan ang castor oil na nasa cabinet sa kusina.  Gusto niyang lagyan ng castor oil ang ihahain na pagkain kay James. Tingnan ko lang kung hindi ka magmadali papunta ng banyo, bulong ni Devon sa sarili. Pero siyempre, umiral pa din ang pagiging matino ni Devon.  Maya-maya pa ay pumasok na si Ann sa kusina para ihain ang niluto niya, tinulungan niya itong ilabas ang pagkain sa dining area. Naroon at nakaupo  sa dining table si James.

Nang makaupo si Ann at si James, uupo sana siya pero nakita niya ang namimilog at nakikiusap na mata ni Ann. Napabuntunghininga siya at sinabi, “ Mamaya na ako kakain, maglalakad kami ni Odi sa labas.”

Nakasimangot na sumagot si James, “You’re crazy, it’s late and you’ll still take the dog out for a walk? Why don’t you just eat, SILENTLY.”

“Uhm, she always takes the dog out for a walk sa ganitong oras. She’s gonna be fine,” hirit naman ni Ann.

Walang nagawa si Devon kundi ngumiti at kuhanin si Odi. Kapag ganoon ang mga tingin ni Ann, alam niya na nagrerequest yun ng privacy.  Kaibigan niya si Ann , malaki ang utang na loob niya sa kaibigan lalo na noong college pa sila. Kaya naman palagi niyang pinagbibigyan si Ann sa kanyang mga requests.


Chapter Three

Nagmamadadaling lumabas ng gate si Devon ng apartment. Hindi niya agad natapos ang nire-revise na mga write-ups kagabi dahil sa maingay na kwentuhan ni Ann at ni James sa labas ng bahay. Madaling-araw na siya nakatulog at tanghali na siya nagising. Late na naman ako, bulong ni Devon sa sarili. Nagmamadali siyang sumakay ng traysikel na magdadala sa kanya sa jeepney stop. Humahangos siyang dumating sa opisina at sinalubong naman siya ng isang nakatawang co-researcher at malapit na kaibigan na si Fretzie.

“Wow, you’re almost late,” nakangiting bati ni Fretzie. “Nakipagdate ka kagabi,” pang-aasar ng kaibigan.

Salubong ang kilay ni Devon, “Hindi noh, asa ka pa. Yung kapitbahay namin. Nasa bahay na naman namin kagabi. Kwentuhan na naman sila ni Ann. Naglamay ako para tapusin yung mga writeups.”

“Yan ba yung nakaaway mo dahil sa aso,” tanong ni Fretzie. “Di ba crush mo yun?”

Halos maputol ang leeg ni Devon sa pag-iling. “Hindi! Crush yun ni Ann.” Kagabi nga, matapos umuwi si James, ang mga pagkakilig naman ni Ann ang kailangang pakinggan ni Devon.
“Ann was really gushing about the guy, last night.”

Napailing si Fretzie. “Naalala ko tuloy si Carson. Di ba you like the guy din? Pero he ended up meeting and courting Ann. Akala ko ikaw yung liligawan kasi he kept on asking for your number. Yun pala gusto lang nila magpa-introduce kay Ann.”

Napatungo na lang si Devon.
“Nasanay na ako Fretzie, when guys try to be close to me, it’s because they like to be with Ann.”

******

Nagmamadaling umalis si James na apartment. Sheet, I’m late, bulong niya sa sarili. Gabi na siya nakauwi sa bahay. Tinext kasi siya ni Ann requesting to borrow a movie na nabanggit niyang isa sa mga favourite ni James nung dinner. Ang balak lang niya ay dadalhin ang DVD kay Ann, pero makulit ang dalaga and insisted that they talk for a while. Gustong gusto na niyang umuwi kasi maaga siya dapat sa university, pero nahihiya naman siyang i-cut abruptly si Ann. Ilang beses niya ding nakita ang nanlilisik na mata ni Devon, ng ilang beses itong nagrequest na hinaan ang kanilang kwentuhan at ganoon din ang malakas na radyo ni Ann.

Isang assistant athletic director si James for a private university. Isa siya sa mga pinakabatang naging assistant athletic director sa history ng university at super proud siya doon. Isa siyang tri-athelete sa Australia at ilang beses na din nakapag-compete and even garnered a place sa Ironman Triathlon. Dati na rin siyang nag-handle ng sports program sa isang prestihiyosong university sa Australia. Kaya noong nabalitaan niya sa isang kaibigan na may isang college na naghahanap ng assistant athletic director sa PIlipinas, kaagad siyang nag-apply. Gusto din naman kasi niyang makilala ang kanyang Filipino roots.

Kakababa pa lamang niya ng kotse ng mag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niya ang isang familiar international number at kaagad niya itong sinagot. “Hey,” sagot niya.

“Hey, I’m coming home next week. My new job is finalized,” wika ng lalaki sa kabilang linya. “Make sure that you have your spare room, ready.”

“D a m n, where would I put all my boxes,” nagbibirong sagot ni James.

“Better start cleaning. I’ll be home by Tuesday.” Ibinigay ng kausap ang flight details kay James at kaagad ding nagpaalam. Natuwa si James. Isang Fil-American friend na nakilala niya sa university sa Australia at nagdecide na ding umuwi at magtrabaho si Pilipinas. It’s gonna be fun, wika ni James. Besides it’s a good excuse not to hang around with Ann and that crazy, Devon.

****
Malakas ang ulan at gusto na ni Devon umuwi. Pero dahil sa sobrang pagmamadali kanina, naiwanan niya ang payong sa bahay. Nakakainis ka talaga Devon, ang bulong niya sa sarili. Bakit ba palagi kang wala sa sarili. Ayaw niyang sumugod sa malakas na ulan dahil mababasa ang dala niyang mga papel at laptop, stranded siya sa isang waiting shed sa labas University. Traffic din naman kaya maghihintay na lang ako, wika ni Devon.

Pero ang hindi niya alam, kanina pa siya nakita ni James. Sa tapat ng waiting shed, napatigil ng traffic ang kotse ni James. Nakita niya si Devon na nakatayo sa gilid ng waiting shed at basang-basa ang buhok. Should I call her, isip ni James. Kaya lang iniisip niyang baka angilan na naman si Devon. She’s crazy, natatawang isip ni James. Pero hindi din niya alam kung bakit ibinababa pa rin niya ang kanyang passenger window at sumigaw.

Devon,” tawag ni James. Nagulat si Devon at hinanap ang sumisigaw. “Devon,” sigaw ni James. Gumagalaw na ang traffic at nakita na rin siya ng crazy woman. “I’ll take you home.”

Nanglalaki ang mata ni Devon atsaka sumigaw. “Hindi ako sumasabay sa strangers. Uwi na ako mag-isa.”

Kumunot ang noo ni James. “Traffic is moving, are you coming or what?”

Natigilan si Devon, seryoso ba talaga siya? Nagulat si Devon sa isang malakas ng kulog at kidlat. Nagmamadali siyang sumakay sa kotse ni James. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero walang nagsasalita sa kanila. Tinitingnan ni James ang katabing dalaga, nagulat din siya ng sumakay ito. She’s really crazy, bulong ni James sa sarili. Palihim namang tinitingnan ni Devon ang binata, ang gwapo talaga niya. Kaya lang gwapong masungit.

Hindi na nakatiis si James. “Can we declare a truce?”

“Huh,” nagtatakang tanong ni Devon.

“Let’s not fight. I don’t want to fight you, really,” seryosong wika ni James.

Hindi mapigilan ni Devon ang tumawa. Nagtataka namang tumingin si James kay Devon. Hindi niya mapigilang ngumiti sa nakakahawang tawa ni Devon. Hindi na rin napigilan ang sarili at malakas na nahampas ni Devon si James sa balikat.

“Ouch, that hurts,” gulat na sigaw ni James. “What the heck is that?”

Nagpipigil sa pagtawa na sumagot si Devon. “Sorry, I hit people whenever I'm happy or may something funny. Kasi noong sinabi mo kanina, para kasing totoong gyera. Sige, let’s start na lang ulit. Ako si Devon,” nakangiting kumay si Devon kay James.

Napatingin si James sa matamis na ngiti ni Devon.
She’s really pretty. “I’m James and you’re still crazy.”

Lalong natawa si Devon at humalakhak na naman siya ng malakas. Hindi na napigilan ni James ang sarili at sumabay na rin siya sa pagtawa.   

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.