Chapter Four
Hindi sa maulang hapon na isinabay ni James si Devon nagtapos ang lahat. Nasundan ito ng ilan pang beses na nagkakasabay silang umuwi. They were surprised ng malaman nilang they work in the same university.
“I can’t believe you’re a researcher,” wika ni James habang nagmamaneho. “You’re crazy and crazy people are not credible.” Halos isang linggo na rin silang sabay umuuwi. Hindi na rin nagtataray si Devon kay James. Hindi na din sobrang stiff si James kay Devon. In fact, pareho silang nagulat na they are really comfortable with each other.
Hindi mapigilan ni Devon na ngumiti. “Palagi mo na lang sinasabi na I’m crazy. I’m not. Nabad-trip lang ako sa iyo on that first day kasi maingay ka at inaway mo agad ako.”
“What?” James reacted “I did not start the fight.” Lalo lamang napangiti si Devon sa sinabi ni James. “I really like your smile and you have nice teeth.”
Nagulat si Devon sa sinabi ni James at hindi mapigilang mamula. Sa katotohanan, kahit si James, nagulat din sa sinabi nya. What the heck was that, where did that come from , tanong ni James sa sarili. Mabuti na lang at hindi na sumagot pa si Devon. Iniba na lamang niya ang usapan.
“Palagi mo na lang ako isinasabay sa pag-uwi. Baka bigla mo akong singilin,” hirit ni Devon.
“What? I don’t understand the last part,” sagot ni James.
“Sabi ko, baka singilin mo ako. You’re gonna ask for something in return,” sagot naman ni Devon at eksaktong tumigil sila sa ng mag-red ang stoplight. Tumitig si James sa kanya ng matagal, at nahiya naman si Devon at kaagad na tumingin sa sasakyang nasa harapan nila.
“There’s something,” nagbibirong wika ni James. Napatingin naman si Devon kay James at nagtaas ng kilay. “Can you cook for me this Saturday night? I have a friend from Australia who’s coming home and staying with me. He’s supposed to be home tonight but something came up.” Nagtaka naman si Devon kung bakit siya pa ang pakikiusapan ni James. Pero parang nabasa ni James ang nasa isip ni Devon. “The pork that your cooked the last time is really good.”
“Sige,” sagot ni Devon. “Sigurado ka bang yun lang?”
Muling pinaandar ni James ang sasakyan. “What? What are thinking?” pabirong sagot ni James.
“Kasi, whenever guys ask for a favor, it’s either they ask for Ann’s number or they ask me na ipakilala sila. Sabagay, magkakilala na naman kayo,” wika ni Devon na parang hind napapansin na nagsalita siya ng malakas. Oh my gulay, baket ko sinabi yun, gulat na isip ni Devon.
“Ann?” wika ni James. Umiling ito bahagya at sinabi, “She’s cool.” Hindi na nagtanong si Devon kung ano pang ibig sabihin ni James. Tinanong na lamang ni Devon si James tungkol sa kaibigan nitong titira kasama niya. Ikinuwento ni James na Fil-American ang kaibigan na nag-aral sa Australia. Naging magkasundo sila kaagad kaya noong nalaman ng Fil-American friend na uuwi si James sa Pilipinas, nainggit ito ay naghanap din ng trabaho para makasama ang kaibigan sa Pilipinas. Sa sobrang sarap ng kanilang pag-uusap, hindi na nila namalayan na nasa tapat na sila ng apartment.
Nakatawang bumaba si Devon ng kotse. “Salamat ng marami James.” Nakita ni Devon na lumabas ng bahay si Ann at nakaabang sa may pinto.
“No problem, it was fun,” wika ni James na bumaba din sa kotse. Para namang sinundot ang puso ni Devon at napangiti siya kay James. Hindi naman mapigilan ni James na mapangiti din kay Devon.
“You’re here. Hi James,” bati ni Ann sabay lapit sa dalawa. Hindi alam ni Devon kung totoo ang nakita niyang parang nag-roll ng mata si James kasi bigla din naman itong ngumiti at bumati kay Ann. Binuksan ni James ang gate, habang papasok naman si Devon ng sariling gate.
Bago pumasok si James ulit sa kotse, pahabol nitong tinawag si Devon. “Sabay tayo tomorrow,” pilit na wika ni James sa Filipino. Natawa naman si Devon at tumango. Pagpasok sa bahay, padabog na umupo si Ann sa sofa.
“I’m tampo,” wika ni Ann.
Nagulat naman si Devon na nagtatanggal ng sapatos sa sinabi ni Ann. “Baket ka naman nagtatampo? At kanino?”
“Sa iyo,” sagot ni Ann. Hindi niya pinansin ang nagulat na mukha ni Devon. “You’re spending more time with James. He’s not spending more time with me.”
Kumunot naman ang noo ni Devon. “Ano naman kinalaman ko doon?”
“Kasi he’s always taking you home,” wika ni Ann.
Napatayo si Devon at kumuha ng tubig sa kusina. Matagal na usapan to, iling na wika ni Devon sa sarili. She wants something. “Ann, there’s nothing wrong with that,” mahinahong wika ni Devon paglabas ng kusina. “Sabay kaming umuuwi kasi pareho kami ng oras ng uwi, pinanggalingan at uuwian.”
“Basta,” nagmamaktol na wika ni Ann. “It’s still not fair, we were close first.”
Napapakit si Devon. “So anong gusto mo?”
“We should get close. You know, I like him Devs. And I can feel that he likes me back. You’re my friend di ba? You’ll help me, right?” wika ni Ann. “You remember naman, di ba, how I stood by your side all throughout college years and even with the boys na sinaktan ka.”
Napailing si Devon. Hindi niya kayang tiisin si Ann. “Anong gagawin ko?”
Napangiti at napatalon sa tuwa si Ann. “You’re the best talaga, Devon,” wika ni Ann habang niyakap si Devon.
Chapter Five
Nagmamadaling lumabas ng opisina si James at pinuntahan ang kotse sa parking lot, dadaanan niya ulit si Devon sa labas ng building, para sabay silang umuwi. Surprisingly, nae-enjoy ni James ang mga byahe nila pauwi tuwing hapon. I never thought she would be easy to talk to, isip ni James. Sumakay ng kotse si James at nag-drive patungo sa building ni Devon. Pero laking gulat niya ng makita niya doon sa baba, hindi si Devon kundi si Ann.
Bumaba ng kotse si James. “Ann, what you’re doing here?” tanong ni James.
Nakangiti namang bumati si Ann. “Hi, James. Can you help me with this?” tanong ni Ann na tinutukoy ang mga dalang folders.
Kinuha ni James ang mga gamit at inulit ang tanong niya, “What are you doing here, where’s Devon?”
“She left already, may pupuntahan daw siya. She asked me na pumunta dito para dalhin yung ibang mga gamit niya,” wika ni Ann.
Napatango naman si James. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at pinagiisipang tawagan si Devon. Pero naisip niyang baka busy yung tao kaya naisipan niyang huwag na lamang tumawag. “Are you going home already?” tanong ni James kay Ann.
“Yeah, I was about to,” wika naman ni Ann na nakangiti.
“I’ll take you home,” wika naman ni James sabay sakay sa kotse.
Sa bintana sa itaas ng building, makikita si Devon na nakasilip. Pinapanood niya si James at Ann na sumakay ng kotse. Sumilip naman si Fretzie sa balikat ni Devon atsaka umiling. “Hay nako, Devon, ang martir nasa piso at nasa Luneta na.”
*****
Tatlong araw ng hindi nagkakasabay sa paguwi si James at Devon. Bilang na bilang ni Devon ang mga araw: Wednesday, Thursday at ngayon ay Friday. Ang hindi niya alam, bilang din pala ni James ang araw na hindi sila nagkakasabay sa pag-uwi. Tatlong araw na rin kasing si Ann ang nakaksabay niya. Sa tuwing pupunta siya sa building ni Devon, palaging si Ann ang nakikita niya sa labas.
Ngayon Biyernes, naabutan niya si Devon at si Ann sa labas ng lobby ng research institution. Ang buong akala niya ay kasabay nila si Devon umuwi, pero nagpaalam ito na may lakad ng kaibigan na si Fretzie. Hindi naman maitago ang disappointment sa mukha ni James.
“Are you avoiding me,” diretsong tanong ni James kay Devon.
Halatang nagulat si Devon, at ganoon na din si Ann sa tanong ng binata. “Of course not,” nakangiting wika ni Devon. “May lakad lang talaga ako.”
“Don’t forget that you’ll be cooking for my friend tomorrow night,” paalala ni James.
“Para saan,” nagtatakang tanong ni Ann. “Why am I not invited?” pabirong hirit ni Ann. Hindi sumagot si James sa tanong ni Ann at matagal na tumingin kay Devon.
“I did not forget,” wika naman ni Devon. “You’re friend likes chicken right? Sige magluluto ako ng masarap bukas. See you tomorrow.” Mabilis na paalam ni Devon at bumalik siya sa loob ng lobby. May gusto pa sanang sabihin si James pero pinigilan niya ang sarili.
“Let’s go,” pagyaya ni Ann.
*****
Alas-tres pa lamang ng Sabado ng hapon, kumakatok na si James sa apartment nina Devon. Mabilis namang lumabas si Devon ng bahay. “Baket?”
“C’mon, we’re doing some grocery shopping,” sabay hila ni James kay Devon.
Gulat na gulat naman si Devon. “Teka, magbibihis ako.”
Tiningnan ni James si Devon at namula naman ang pisngi ng dalaga. Matagal siyang tinitigan ni James, “You look good.” Hinila niya ang namumulang si Devon palabas ng gate at pasakay sa kotse.
“Pwedeng sumama si Ann,” tanong ni Devon ng maalala ang request ni Ann sa kanya na tulungan ang dalawa na maging close.
Hindi sumagot si James at basta na lamang pumasok ng kotse. Walang nagawa si Devon kundi sumakay na din sa loob. Hindi nagsalita si James hanggang sa makarating sa grocery. Ayaw din naman niyang humirit kasi mukhang mainit ang ulo ng binata. Hanggang sa matapos sila sa pamimili ay hindi pa din masyadong nagsasalita si James at hindi ito ngumingiti. Noong nasa byahe na sila pauwi, hindi na natiis ni Devon na hindi tanungin si James. “May problema ba?”
Napatingin naman si James kay Devon. “Why do you always have to drag Ann in all of our conversations,” prangkang tanong ni James. It’s as if you don’t like being around with me, iyon ang gustong sabihin ni James kay Devon pero pinigil niya ang sarili.
“Wala lang, kasi feeling ko you’ll look good together,” umiwas ng tingin si Devon kay James. Bakit parang kumurot ang puso ko, bulong ni Devon sa sarili. Hindi niya napansin na biglang napa-smirk si James sa sinabi ni Devon.
“Ann’s cool,” wika ni James. Ilang beses na niyang sinasabi yun,ano ba kasi meaning nun, isip ni Devon. Pagkarating sa apartment, nakita niyang nasa labas ng apartment si Ann at mukhang naghihintay.
“Where have you been,” tanong ni Ann. Bago pa man sumagot si Devon ay iniabot ni James ang isang plastic bag kay Ann at hinila si Devon papasok ng apartment niya. Walang nagawa si Ann kundi sumunod kay James at Devon. Nahalata ni Devon na hindi din maganda ang mood ni Ann kaya mas minabuti na lang niya na hindi magsalita.
Naririndi si Devon habang nagluluto ng hapunan. Kinukulit ni Ann si James. Kinukulit siya ni James. At nag-iingay na din ang kanyang aso na si Odi. Kaya pagkatapos magluto, sumuko na si Devon. “Uuwi na ako,” wika ni Devon na nakataas ang kamay. “Ang ingay nyo.”
Hinabol siya ni James. “You have to come back. Honestly, like seriously, come back. Eat dinner here. My friend’s gonna be here in few minutes. Okay?” Tumango naman si Devon at umuwi sa kanilang apartment.
Nagmamadali siyang pumasok ng banyo para maligo. Ayaw niyang makita pa siya ni Ann at makapagtanong ito. Kanina pa siya gustong i-corner ni Ann para tanungin kung bakit hindi siya kasama sa grocery trip at kung nabanggit ba siya ng kanyang prince charming. Paano ba niya ipapaliwanag sa kaibigan na ang tanging nasasabi lamang ni James tungkol kay Ann ay “she’s cool.”
Chapter Six
Kanina pa hinihintay ni James ang kaibigan. He’s late, ang nag-aalalang isip ni James. Dapat ay kanina pang dumating ito pero isang oras na ay wala pa rin siya. Umuwi sandali sa Devon para kuhanin ang cellphone, samantalang si Ann ay nakaupo sa sofa. Ilang beses ng tinatawagan ni James ang ibinigay na number na gagamitin ng kaibigan pagdating sa bansa, pero mukhang hindi pa niya ito ginagamit.
“Where is he,” tanong ni Ann. Ilang beses na niyang tinanong si James pero hindi naman nagsasalita ang binata. Halatang walang ganang makipag-usap.
Laking gulat ni James ng biglang may tumawag na lalaki sa labas ng gate. “Hello?” nagtatanong na boses ng lalaki. Nagmamadaling sumilip si James at napasigaw ng “you’re here!” sa sobrang tuwa. Kaagad niyang pinapasok sa gate at niyakap ang bagong dating. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong at may medyo matipuno ang katawan.
“I thought something happened. Come in,” wika ni James habang niyaya ang kaibigan sa loob. Nakangiti namang sumalubong si Ann sa bagong dating. Nagpakilala si Ann sa bisita.
“I’m Ivan,” pakilala naman ng poging binata. Habang ibinababa ang gamit niya ay hindi naman maubusan ng kwento ang dalawang lalaki. Pero bigla silang natigilan sa pagkukuwento ng pumasok si Devon sa bahay.
“Wala pa ba? Ang aga kong nagluto, tapos wala pa pala,” reklamo ni Devon habang nakatingin sa cellphone. Hindi niya napansin ang bagong dating. Kaya laking gulat niya ng makitang mayroong isang lalaking kasama sa sala si Ann at James.
Ngumiti si Ivan at bahagyang kumaway. Iniabot niya ang kamay kay Devon at nagpakilala. “I’m Ivan.”
Ngumiti din naman si Devon at inabot ang kamay. “Devon.”
“That’s a pretty name,” sagot naman ni Ivan na hindi inaalis ang kamay sa pagkakahawak sa kamay ni Devon. Hindi din niya inalis ang titig si Devon. Namumula na si Devon, sa tagal ng titig ni Ivan, buti na lang sumingit si James.
“Dude, you must be hungry. We cooked dinner for you,” wika ni James.
“Oh great. Are you staying for dinner?” tanong ni Ivan kay Devon at biglang ngumiti ng ngumiti ito. Nauna ang dalawang lalaki sa kusina. Samantalang kasunod naman nila ang dalawang babae. Sinisiko ni Ann si Devon.
“Ang lagkit ng tingin sa yo,” biro ni Ann.
“Tumigil ka nga,” siko rin ni Devon sa kaibigan.
******
Matagal ng nakaalis ang mga bisita ni James at Ivan. Umuwi na din pagkatapos mag-dinner sina Ann at Devon. Pero napagkasunduan nila na bago umuwi na lumabas at magmall the next day. May mga kailangan din kasing bilhin si Ivan. At kahit na ilang beses na din siyang nakabisita sa Pilipinas, nasa Bacolod naman ang kanyang pamilya kaya kailangan niyang maging pamilyar sa Maynila. Isang linggo munang magpapahinga si Ivan bago magsimula sa kanyang bagong trabaho sa isang business firm.
Nakaupo sa terrace si Ivan. Lumabas si James na may dalang isang bote ng malamig na juice.
“No beer for you, yet,” wika ni James. “Tomorrow, we can.”
Napatawa si Ivan at kinuha ang juice. “It was a great dinner, thanks,” wika niya kay James.
Napangiti si James. “Devon and Ann cooked.”
Sumandal si Ivan. “So who’s your girl?”
Nagulat naman si James sa tanong ni Ivan. “What do you mean?”
“You’re not dating anyone?” nagtatakang tanong ni Ivan. Umiling si James. “Ann looks smitten with you.”
Natatawang sagot ni James, “She’s nice.”
Napasandal si Ivan sa upuan. “So, its Devon.” Natawa namang umiling si James. “So, really, not one of the two.” Napatango naman si James. For now, natatawang bulong niya sa sarili.
“Devon’s pretty and really funny,” wika ni Ivan. Nagulat si James at napatingin kay Ivan. “I like her,” maikling sagot ni Ivan.
Hindi alam ni James, pero parang biglang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Mabilis pero masakit. “She’s crazy,” sabi naman ni James. Natawa si Ivan. “I’m telling you, she’s crazy, got a wild temper and her dog’s a nuisance.”
Napangiti si Ivan at napakibit-balikat. “Let’s see,” wika nito.
Gusto mang sumagot ni James pero hindi na siya nakapag-react. Nagsimula ng magkwento si Ivan tungkol sa kanilang mga naiwang kaibigan sa Australia at ang kanilang mga plano sa mga susunod na araw. Pero hindi mapalagay si James sa lahat ng sinabi ni Ivan. Why should I care, naiinis na kontra ni James sa sarili.
0 comments:
Post a Comment