Sep 4, 2010

Chapter 14

Chapter Fourteen

Paano mo ba bubuuin ang isang bagay na nabasag sa isang milyong piraso? Kahit ano yata na gamitin na brand ng glue o rugby, kahit Epoxy pa, mahirap ng buuin ang mga nadurog na. Sa maraming pagkakataon, mas mabuti pa ang bumili o palitan ng bago ang mga bagay na imposibleng ayusin.

Yan ang tumakbo sa isip ni Devon, kaya matapos ang pag-uusap nila ni James matapos ang bakasyon nila sa Naga, naisip niyang hindi na niya kayang buuin ang sarili. Nadurog ang puso niya.  Kailangan niya na magsimula ulit.  Kinausap niya si Ann at nagsabing aalis na ng bahay nila.

“Sa tingin ko, mas magiging maayos ang ating pagkakaibigan, kung hindi na tayo magsasama sa bahay.  Kailangan na natin mag-move forward at kalimutan ang lahat ng ito,” paliwanag ni Devon kay Ann. Tumango naman si Ann at niyakap si Devon

Noong araw ding iyon, mabilis siyang nagempake ng mga gamit at umalis. Tumungo siya sa bahay ni Fretzie at doon muna tumira ng ilang araw, habang humahanap ng bagong mauupahan.  Nag-resign na rin siya sa trabaho sa University. 

Ngayon, dalawang taon mula ng sabihin ni James sa kanya na huwag siyang mag-expect, nagtatrabaho siya bilang isang researcher sa isang malaking pahayagan.  Tanging si Fretzie at ang magulang niya ang nakakaalam kung saan siya nagtatrabaho.  Naging honest siya sa pamilya sa kung anong naging dahilan ng biglang paglipat ng trabaho at bahay.  Nagkikita sila ni Fretzie minsan, pero masyado na din kasing busy si Fretzie dahil na-promote na siya sa trabaho niya sa University.

Wala na din siyang kontak kay Ann o kahit kay Ivan.  Naging malungkot ang huling pag-uusap nila ni Ivan bago siya umalis. 

“I can’t love you Ivan,” wika ni Devon.

Tumungo si Ivan at nakita niyang pumikit ito. “I know. Right after our first date, I knew. I guess, I just want to see if I could change how you feel.”

Na-guilty si Devon. “Sorry, hindi ko kaagad sinabi.”

Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Devon. “Why apologize? It’s not your fault.  Sometimes we just fall in love, without any assurance that that person would love us back.” 

Pinisil ni Ivan ang kamay niya. Alam ni Devon na hindi ang sarili ang tinutukoy ni Ivan.  Hindi napigilan ni Devon na pumatak ang luha.

Nagising si Devon sa kanyang pagbabalik-tanaw ng may isang pumitik sa harapan ng kanyang mukha.

“Are you alright?” tanong ng kasama sa trabaho na si Carson.

Ngumiti si Devon at tumango. Isa sa mga researcher din si Carson sa newspaper, malimit nitong niyaya na lumabas si Devon.  Alam niya kung anong gusto ni Carson, kaya simula pa lamang ay sinabihan na niya ito.  Wala akong panahon sa relasyon, yan ang kanyang sinabi kay Carson. Naunawaan naman ito ng lalaki kaya ngayon ay isa na siyang malapit na kaibigan.

“You’ve got mail,” iniabot ni Carson ang isang short brown envelope at tumungo sa sariling table.

Nagulat naman si Devon sa natanggap na sulat.  Nakalagay ang address nila sa probinsya, kaya galing sa mga magulang niya.  Mabilis na binuksan ni Devon ang envelope at nakita ang isa pang sobreng puti sa loob at isang nakatuping bond paper.

Binuksan niya ang nakatuping papel at napangiti ng makita ang sulat-kamay ng kanyang ina.  Nangangamusta ito at ibinalitang natanggap na din sa trabaho ang isa pa niyang kapatid, samantalang ang isa pang kapatid ay natanggap sa isang scholarship program para sa kolehiyo.  Good news talaga, nakangiting sagot ni Devon. Pero tumimo sa kanya ang nabasa sa dulo ng sulat.

“May dumating na invitation dito.  Ipinadala ko sa iyo para makita mo. Baka gusto mong pumunta. Kung kami ng tatay mo ang tatanungin, sana pumunta ka. Kasi importanteng okasyon yan.  Atsaka, para din sa katahimikan na din ng kalooban mo.  Mahal ka namin.”

Kinuha ni Devon ang puting sobre at binuksan.  Isang imbitasyon sa kasal.  Hindi mapigilan ni Devon at mapangiti ng malaki ng makita ang ikakasal.  There’s a happy ending after all, wika ni Devon sa sarili.  Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng makita ang gold engravings ng pangalan ng soon-to-be-wed couple- “Love knocks when you don’t expect it.  You’re invited in the happiest occasion of our lives.  Ivan and Ann.”

****

Nakatingin si James sa imbitasyon na dumating kahapon.  Nasa mesa ito sa opisina niya at hindi mapigilan ang mapailing.  Nag-ring ang cellphone niya, si Ivan. Sinagot ni James ang telepono. 

“Did you get the invitation?” tanong ni Ivan.

“Yes I did. I’m looking at it right now,” natatawanang wika ni James. “That’s so corny. Love knocks when you don’t expect it.”

“It’s Ann’s idea. Don’t laugh at it. It’s sweet,” depensa ni Ivan. Pero hindi rin nito napigilan na tumawa.

“You’re with her,” ramdam ni James kaya siguro hindi makapagreklamo ang kaibigan. Narinig ni James ang malakas ng tawa ng isang babae sa background.

“Yes, I’m with her,” halakhak na sagot ni Ivan.  “You’re gonna be there, right?”

“Yes, I will be there,” sagot ni James.

“Good,” wika ni Ivan. “Just checking. Okay, got to go.  We’re going to the florist.”

Tumawa naman ng malakas si James at nagpaalam.  Hands-on talaga si Ivan sa preparation sa kasal nila ni Ann. Two years, isip ni James. There are times when time passed by slowly or darn fast. Parang kailan lang ay si James ang iniiyakan ni Ann.  Parang kailan lang, si Devon ang gusto ni Ivan.

Napabuntong-hininga si James ng maalala si Devon. Where is she now, isip ni James.  Wala na siyang balita kung nasaan ang dalaga.  Isang araw matapos ang bakasyon nila sa Naga, umalis si Devon dala ang lahat ng kanyang gamit. Nalaman din ni James kay Fretzie na nagresign si Devon sa trabaho.  Ngayon, wala siyang alam kung saan ito lumipat ng bahay o kung saan ito nagtatrabaho.

Si Ivan ang nagbalita sa kanya noon na umalis na si Devon.  Napasandal si James sa upuan at naalala ang nangyari.

“She’s leaving,” wika ni Ivan. Nakatayo ito sa pintuan habang nakaupo sa harap ng TV si James. Hindi nagsalita si James at ipinagpatuloy ni Ivan ang pagsasalita. Devon’s moving out.”  Hindi pa din nagsalita si James.   “You’re not gonna do anything?”

Umiling si James. “Why? What for? There’s nothing between us.”

Inis na umiling si Ivan at nilapitan ang kaibigan. Kilala niya si James, stubborn ito.  “Don’t tell me she doesn’t mean anything to you.”  Hindi nagsalita si James. “You know what, I gave her up cause I know she doesn’t love me. She loves you. But you’re so stubborn to see that.”

“I didn’t ask her to love me. She knows I can’t love her back,” galit na sagot ni James.

“Why? Because of the crap about love ruining your life?” galit na sagot ni Ivan.  “Why don’t you confront your ghosts. You need it.” Iniwan ni Ivan si James na nag-iisip. 

Confront my ghosts,  wika ni James sa sarili habang nakasandal sa upuan.  Narinig niyang nag-ring ang cellphone at nakita niya na tumatawag ang kanyang tatay na nasa Australia.

“Hey,” bati ni James sa ama.

“Hey,” bati din ng tatay niya. “Hope I’m not disturbing you.”

“Oh no,” sagot ni James. Bihirang tumawag ang tatay niya. “Is there something wrong?”

“Nothing,” wika naman ng Tatay niya. “Just received an e-mail from Ivan telling me he’s getting married. And I thought about you, decided to check how you’ve been doing.”

“I’m fine,” sagot ni James.  Matagal na katahimikan sa pagitan ng mag-ama.  Hindi alam ni James kung anong sasabihin sa tatay niya.

“Oh well. I just want to know if you’re okay,” wika ng tatay ni James na tila balak ng magpaalam.

Confront your ghosts, naisip ni James. “Dad,” habol ni James.  “ I want to ask you something.”

“Okay,” marahang sagot ng tatay niya.

“When mom left, why did you hate me?” mabilis na tanong ni James. It’s now or never, wika ni James.

“Hate you? I don’t remember saying that,” gulat na sagot ng tatay ni James.

“You did. More than a couple of times.  You can’t look or talk to me for a year.  You just tell me what to do, what time to go home, or the chores,” wika ni James.

Narinig ni James na bumuntong-hininga ang ama. “Ah, now I remember. You have to understand James, that I was completely hurt during that time.   I even tried to do things that should never be done. I didn’t hate you.  You just reminded me of your mother, looking at you that time hurts so much.  But I’ve moved on.  You’re my son and I never hated you, or will ever hate you.”

“Was it worth it?” tanong ni James sa ama.

“What?” tanong ng tatay niya.

“Falling in love and marrying mom,”  tanong ni James.

Narinig niyang bumuntong-hininga ang tatay niya. “James, aah, James,” ulit ng tatay niya. “If I have to do it again, I would.  My marriage with your mother gave me the best gift ever, I had you and your sister.  Even for a brief time, I fell in love and was loved.  Even the part when you mother left me, I’ll go through it again.  The pain is just part of it and it made me a better person, you see.  Perhaps there were times when you though I was never there for you as  a father, but I have weaknesses, too. And James you know, I tried.  I tried to make it up to you and your sister.  ”

Tumahimik si James sa sagot ng ama. Naramdaman ng tatay ni James ang parang kalituhan ni James.

“Never for one second, think that what happened to me will happen to you, too” wika ng tatay ni James.

“I know,” wika ni James.

“Well you don’t sound convinced,” wika ng ama.  “James, love is about taking risks.  How would you know you’re gonna be happy, if you don’t even accept the fact that you could? Live your life, not mine.”

Matagal ng nakapagpa-alam ang ama sa kanya pero nakatingin pa din si James sa telepono.  Live my life, wika ni James. Pumikit siya at tumingin sa labas ng opisina.  Take the risk, James,  humugot ng malalim na hinga si James at tinawagan ang research institute na pinagtatrabahuhan ni  Fretzie.

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.