Chapter Sixteen
Matapos ang pag-uusap sa kotse, isang linggo ng walang naririnig si Devon mula kay James. Nagtataka siya at kahit papaano ay nag-aalala din. Ano ka ba Devon, diba yan ang gusto mo, galit na kontra ni Devon sa sarili. Bakit mo siya hinahanap? Bakit mo hinihintay na may magdala ulit ng mga bulaklak, cards, o kahit yung mga simpleng text at missed calls. Yan ang gusto mo di ba Devon, paulit-ulit niyang paalala sa sarili.
Oo, yun nga ang gusto niya dahil ayaw na niyang masaktan ulit, pero talagang may ibang plano ang puso at ang tadhana. Linggo, kaya nasa bahay lang si Devon biglang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang tumatawag si Ann.
“Hey Ann,” bati ni Devon.
“Meet us tonight,” pagyaya ni Ann.
“What for?” tanong ni Devon .
“Just pre-wedding thing. Fretzie and Bret would be there,” wika naman ni Ann. Hinid nagsalita si Devon , alam nitong nagaalala ito kung darating si James. “Don’t worry James is not coming.”
Nagulat naman si Devon. “Talaga? Baka set-up lang yan ha.”
“Uhm, no, he’s going back to Australia this afternoon,” sagot ni Ann.
Nahulog ni Devon ang hawak niyang remote control. Nagulat siya sa sinabi ni Ann. “Ha? Babalik na siyang Australia?”
“Yup. He said it’s for good,” wika ni Ann. “Sabi niya, wala na naman daw siya dapat ipag-stay dito. Ang drama nga eh.”
Napaupo si Devon sa sofa at napatingin sa TV. Wala siyang naaiintindihan sa mga taong kumakanta at sumasayaw sa screen. He’s leaving. He’s leaving, yan lang ang naisip ni Devon . Naging manhid ang pakiramdam niya. Di ba yan ang gusto mo, his leaving you alone. Napapikit si Devon . Bakit hindi ako masaya? Yan ang gusto mo.
“Devon ,” tanong ni Ann. “Are you still there?”
Napalunok si Devon at hindi napigilang magtanong, “Where is he now?”
“Nasa bahay daw sabi ni Ivan, trying to finish packing. He needs to be in the airport in an hour kasi eh,” kwento ni Ann.
“Doon pa din ba sila sa dating bahay nakatira?” tanong ni Devon.
“Ivan doesn’t live there anymore, si James, oo doon pa din,” sagot ni Ann. “So, are you coming?”
Hindi na nakasagot si Devon , kasi pinatay na niya ang cellphone at ang TV. Kinuha niya kaagad ang wallet at mabilis na lumabas ng bahay. Nagmamadali siyang sumakay ng taxi at sinabi ang lumang address ng apartment nina James at Ivan. Umiiyak siya habang nakasakay sa taxi, awang-awa naman ang taxi driver at sinabihan pa siya ng condolence.
Wag kang aalis James, please. Sana abutan kita, bulong ni Devon sa sarili. Sira ka talaga Devon, after all these years, mahal mo pa din siya. Hindi mo pa din kaya na mawala na siya ng tuluyan sa’yo. James please, wag ka munang aalis.
Patakbong bumaba si Devon sa taxi at binuksan ang gate ng apartment ni James. Kumatok siya sa pinto at halos maiyak ng walang nagbubukas ng pintuan. Hindi ko na siya maabutan, umupo si Devon sa labas ng pintuan at isinubsob ng mukha sa braso. Akala ko naka-move on na ako. Akala ko wala na. Hindi man lang siya nagpaalam. Akala ko ba mahal niya ako? Isang katerbang tanong ang tumatakbo sa isip niya. Laking gulat niya ng may umupo sa harapan niya at hinawakan ang kanyang braso.
“I knew you’re gonna come,” nakangiting wika ni James.
Laking gulat ni Devon sa nakita at biglang niyakap si James. Hindi na napigilan ni Devon ang umiyak.
“Hush, don’t cry. I’m not going anywhere,” wika ni James habang hinahaplos ang buhok nito.
Umalis naman sa pagkakayakap si Devon at malakas na hinampas si James. “Nagkunwari ka lang na aalis ka eh. Nakakainis ka!”
Natawa si James at niyakap ulit si Devon . “Well, it worked,” natatawang sagot ni James.
Natawa naman si Devon at muling bumalik sa pagkakayakap kay James. “Wag ka ng bumalik ng Australia .”
Hinigpitan ni James ang yakap kay Devon at sinabi, “A ship needs an achor, so it won’t go anywhere. What do I have?”
Tiningnan ni Devon si James at inilagay sa kanyang puso ang kamay ni James, “You have me.”
*****
Nakaupo sa hood ng kotse si Devon at James. Nasa Roxas Boulevard sila at pinapanood ang mga ilaw ng barko. Kumakain sila ng ice cream at pinag-uusapan ang mga nangyari sa kanila, ang pagpapanggap ni James na aalis papuntang Australia .
Bahagyang sinuntok ni Devon si James sa braso, “Paano kung hindi kita hinabol?”
Napangisi si James. “I know you’re gonna come. But if you’re not gonna be there, I’ll be at your doorstep with my luggage.”
Tumawag sila kay Ann at sinabing hindi na sila pupunta sa dinner date. Napasigaw naman si Ann at sinabing okay lang, naririnig naman nila ang humihiyaw na si Fretzie.
“At last,” malakas na sigaw ni Fretzie. “I’m so happy for you, bess!”
“I have a question,” tanong ni James matapo makausap ang mga kaibigan sa cellphone. “Where’s Odie?”
Napatawa naman si Devon at naalala ang matapang niyang aso. “Andun kina Tita Myla. Iniuwi nila noong bumisita sila dito sa Manila, gusto daw kasi nila ng aso.”
“We should visit them,” wika ni James. Kinuha niya ang kamay ni Devon at hinalikan. “And I want to thank Odie for bringing you into my life.”
Napangiti naman si Devon at sumandal sa lalaking katabi niya. Parang panaginip lang, wika ni Devon , pumikit siya at nakita niya na nakasilip sa kanya si James.
Tumawa si James at sinabi, “You’re not dreaming baby. Everything is real.”
“Ang saya naman ng happy ending,” wika ni Devon .
“What?” gulat na sagot ni James. “Why a happy ending? You want this to be the end?”
Natawa si Devon. “Hindi noh. OA ka.”
“I know, baby. I don’t want this to be the end. This is just the beginning,” hinalikan ni James si Devon sa labi. Para naman natunaw si Devon sa sweet kiss ni James. Napangiti naman si James matapos halikan si Devon . Kinabig niya ito papalapit sa kanya at nagtanong, “Want to know a secret?”
“What?” tanong ni Devon .
“Remember the wish I made in the church in Naga?” tanong ni James. Tumango si Devon . “I wished that we’ll be together. Forever.”
Namula naman si Devon sa sinabi ni James. Kinurot niya si James at nakangiting nagbiro, “Aha, may gusto ka na pala sa kin noon noh?”
Kinuha naman ni James ang kamay ni Devon at tiningnan siya sa mata. “You want to make it official?” tanong ni James.
“Huh?” nagulat si Devon .
Kinuha ni James ang isang kahon mula sa kanyang bulsa at binuksan para ipakita ang isang engagement ring. Natigilan si Devon at napatingin kay James. Biglang tumulo ang luha niya at hindi nakapagsalita.
“I felt that I have known you forever. I have never met any woman like you, nor want to meet anyone else,” wika ni James.
Umiyak naman si Devon habang isinusuot ni James ang singsing sa daliri niya. “Me too,” mahinang bulong ni Devon . Pero hindi niya maiwasan ang mag-alala para kay James. “Are you sure? I know how you feel about marriage and love.”
Hinawakan ni James ang pisngi ni Devon . “That was before I met you. I love you, baby.”
“And I—love you, too,” niyakap ni Devon si James at hinalikan sa labi. “Kailangan na talaga natin pumunta ng Naga para magpa-thank you kay Odie. Pwede kaya siyang i-train as ringbearer? ” Malakas naman ang naging tawa ng dalawa.
--End--
3 comments:
s0!!!!!!!!!!beautiful ending,, ^^
thanks f0r the fanfic 0f jeav0n.. ^^
Love it tLga!!!!!
you're really good!!!
thanks for this wonderful story:DD
relly nice :)
Post a Comment