Chapter Eleven
Tahimik ang naging byahe nila pauwi. Tahimik din ang mga sumusunod n araw. Hindi na kailangang si Devon lang ang umiwas kay James, dahil parang pilit din ni James na hindi makita si Devon. Nakahiga si Devon sa kanyang kwarto ng pumasok si Ann sa kanyang kwarto.
“I don’t know what’s wrong with him,” himutok ni Ann. Nagpapahalata si Devon na ayaw niyang kausapin si Ann, pero hindi siya pinansin ng kaibigan. “James buries himself in his work. He would even refuse to talk to me in more than five minutes.”
Nagulat si Devon, matapos ang nasaksihan niya sa beach, naisip niyang di ba dapat mas maging close sila? “Baka naman busy lang talaga,” pagpapaliwanag niya sa kaibigan.
Halatang naiinis naman si Ann. Lumabas siya at kinuha ang cordless phone sa labas ng kwarto. Bumalik siya at nagsimulang magdial. “James, you’re still on the office? Yeah, it’s Ann. You want to go out for dinner? Okay. Where do we meet?” Tumayo si Ann at napa-yes kay Devon. Lumabas siya ng kwarto at narinig ni Devon na papasok sa kanyang kwarto. Halatang magbibihis.
Hindi alam ni Devon and mararamdaman. Natutuwa siya para sa kaibigan, pero nadudurog ang puso niya. Matagal ng nakapagpaalam at nakaalis si Ann, pero hindi pa din siya dinadalaw ng antok. Nakatingin lamang si Devon sa kisame. Hindi niya napansin na halos maghahating-gabi na pala. Lumabas siya ng kwarto para kumuha ng tubig ng narinig niyang may nag-uusap sa labas ng bahay.
“Why work so hard?” lambing ni Ann.
“There’s so much to do,” sagot ni James.
“How about spending another vacation with me,” masuyong tanong ni Ann. Hindi kaagad nakasagot si James, pero nakita ni Devon na hinawakan ni James ang kamay ni Ann. Napatungo si Devon at mabilis na bumalik sa kwarto bago pa siya mapansin ng dalawa. Hindi na niya narinig ang mga sumunod na pinagusapan ng dalawa.
Hawak ni James ang kamay ni Ann. Marahan siyang nagsalita, “I appreciate what you’re trying to do for me. But this is not gonna work. We’re better off as friends.”
Hindi nakapagsalita si Ann. Nangingilid ang luha niya. “No, James. I just can’t accept that. You know why? Cause I know kayang matutunan ang pagmamahal.” Tumalikod si Ann at iniwan si James para isipin ang sinabi niya.
*****
Bakasyon. Bakasyon ang kailangan ko, desididong wika ni Devon. Hindi siya makatulog buong gabi. Pagdating ng madaling araw, nagdesisyon siyang mag-empake ng gamit. Uuwi muna siya sa probinsiya, pero kailangan niyang makaalis kaagad ng Maynila. Pero, alam niyang hindi isya makakauwi kaagad sa Cebu kahit naroroon ang pamila niya. Kaya alas-kwatro ng umaga tumawag siya sa tiyahing na nakatira sa Naga. Nagulat man ang tita niya, hindi ito tumutol ng magpaalam si Devon na uuwi doon at magbabakasyong ng ilang araw.
Nagpadala siya ng isang text sa kay Fretzie na nagpapaalam na magbabakasyon, hindi niya sinabi kung saan. Nagpadala rin siya ng e-mail sa kanyang boss at humihingi ng paumanhin kung bakit biglaan ang pagpaalam. Sinabi niyang dalai to ng sakit at kinailngan niyang magpahinga sa isang lugar na walang polusyon.
Tulog pa si Ann ng lumabas si Devon dala ang kanyang maleta. Gumawa siya ng isang maiksing sulat para kay Ann at Ivan. Iniwan niya iyon sa mesa at lumabas ng bahay. Nagmamadali siyang tumawag ng taxi at nagpahatid sa sakayan ng bus papuntang Naga. Magulo ang isip. Masakit ang puso. Kailangan ko ng fresh air.
****
“She’s gone,” nagmamadaling wika ni Ivan habang papasok ng bahay.
“Huh?” nagtatakang tanong ni James. Isa na namang sleepless night, masakit ang ulo niya, masakit din pati ang mata.
“Devon’s not at home. She left,” paliwanag ni Ivan. Kinuha niya agad ang cellphone at nagsimulan tumawag. “She’s not answering her phone. Now, it’s off.”
Pumasok naman ng bahay si Ann, halatang kakagising lang din. “Relax, Ivan. Sabi niya sa letter, she’s not feeling well. She just needs a vacation.”
Nakaramdam si James ng biglang pagtaas ng presyon. “Devon’s sick? Why didn’t she tell us? Did she say what’s wrong with her?” Kaagad na kinuha niya ang sulat kay Ann at binasa. Wala man lang sinabi kung anong sakit, saan pumunta at kailan babalik si Devon. “She’s such a pain,” malakas at naiinis na wika ni James. Nagulat naman si Ann at Ian sa sinabi ni James.
Naiinis na pumasok ng kwarto si James. Why does she have to leave? I am completely avoiding her, trying to get out of her and Ivan’s way. May mga panahon na nakikita niya si Devon na lumalabas ng bahay, hindi din siya lumalabas.
Naalala niya ang sinabi ni Ann kagabi, you can learn how to love a person. Lalo siyang naiinis sa sarili. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Fretzie. Hindi din alam ni Fretzie kung saan pumunta si Devon, baka sa pamilya sa Cebu or baka sa ibang mga kamag-anak. Hiningi ni James ang phone number ng nanay ni Devon.
She didn’t even say goodbye, naiinis na wika ni James. At nagsimula siyang mag-dial ng numbers sa cellphone.
****
Gabi na nakarating ng Naga si Devon. Kaagad naman sumalubong ang tiyahin niya.
“Hay naku bata ka, bakit ba kasi pabigla-bigla ka? Kamusta ang byahe? Kumain ka na ba? Ibigay mo sa pinsan mo yang bag mo,” salubong ni Tita Myla.
Pagdating sa loob ng bahay, kumain si Devon ng hapunan. Hindi siya kumain ng kahit ano bukod sa itlog ng pugo sa loob ng sampung oras na biyahe. Wala kasi siyang kagana-gana. Maraming gustong itanong si Tita Myla kay Devon, pero pinili niyang tumahimik muna. May dahilan ang biglang paguwi ni Devon, kung ano man iyon ay dapat niyang malaman.
Pagkatapos maghapunan ay sinamahan ni Tita Myla si Devon sa kwartong tutulugan. “Pagpasensiyahan mo na, hindi ko na nalinis ng maayos yung kwarto. Pabigla-bigla ka kasi.”
Napangiti si Devon. “Okay lang Tita.”
Umupo si Tita Myla sa tabi ni Devon at nagtanong, “Ano bang nangyari at biglaan ang pag-uwi mo? May problema ka ba?”
Napatingin si Devon kay Tita Myla, “Hindi ba sabi ko tita, may sakit ako. Gusto ko lang magpahinga.”
Pero iba ang tingin ni Tita Myla, may kahulugan. Hindi na napigilan ni Devon ang sarili, umiyak siya. Itinuro ang dibdib at bumulong, “Dito, Tita. Dito.” Niyakap ni Tita Myla si Devon at hinimas ang likod. Ang pamangkin ang tipo ng taong hindi basta-basta nagpapakita ng emosyon. Sa dami ng pinagdaanan at isinakripisyo para sa kanyang pamilya, minsan kinakalimutan na ni Devon ang sarili. Hindi nagsalita si Tita Myla at hinayaang makatulog at makapagpahinga si Devon.
Kinabukasan, tanghali nang nagising si Devon, pinabayaan lamang siyang magpahinga ng kanyang tiyahin. Pilit man siyang pinipigilan ng tiyahin, gusto niyang magtrabaho at tumulong sa gawaing-bahay. “Hindi naman pisikal ang sakit ko,” biro ni Devon sa tiyahin. Kinuha niya ang labada at umupo. Kung pwede lang idaan lahat ng hinanakit sa kusot. Panigurado ako, ako na ang pinakain-demand na labandera sa buong Pilipinas, ako ang may pinakamapuputing nilabahan, natatawa na lamang si Devon.
Pagkatapos magtanghalian, binalikan ni Devon ang kanyang ibinabad, walang washing machine sina Tita Myla. Kaya ang ilang araw na damitan ng kanyang tita at tito, pati ang tatlong makukulit nitong anak ang sapat na para maging busy siya sa buong maghapon. Seryosong naglalaba si Devon ng may narinig na tumikhim sa likuran niya. Nagulat siya sa nakita na nakatayo sa pintuan ng kusina nina Tita Myla.
“Paanong –“ natigilan si Devon at napatayo mula sa inuupuang maliit na bangkito.
“A sick person should not wash clothes,” biro ni James.
Chapter Twelve
Nagulat si Devon, hindi kaya nasobrahan siya sa sabon? Wala naman sigurong hallucinatory effects ang Clorox na ginagamit ni Tita Myla, hindi naman siguro adik ang tiyahin niya. Nakanganga si Devon at hindi makapaniwalang nakarating ng Naga si James.
“Devon, hayan nakita mo na pala ang bisita mo,” bati ni Tita Myla. “Hala, sige, galing pa yatang Maynila yan. Yung pinsan mong si Dee na ang bahala sa nilalabhan mo.”
Sumunod naman si Devon at hinila si James papalayo sa mga tiyahin. Hinila ni Devon si James hanggang sa makarating sa isang sulok ng bakuran, sa ilalim ng isang puno. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Devon.
“You just left, you told Ann and Ivan you’re sick. You’re supposed to be resting,” inis na sagot ni James.
Nagulat si Devon sa sinabi ni James. “Ayan nakita mo na ako. Okay na okay ako. Go. Uwi ka na.”
“My butt ached from a ten-hour bus ride, I can’t bring my car cause I may get lost. I haven’t eaten nor slept, and now you’re trying to send me away,” reklamo ni James.
“Bakit ka ba kasi nagpunta dito? Paano mo nalaman na andito ako?” inis na tanong ni Devon.
“I called your mom and asked her,” sagot ni James. Napansin ni James na parang naiinis si Devon, “ I was worried. You left without saying anything, you left your work. You even said you were sick.”
Tiningnan ni Devon si James. “Nag-alala ka sa akin?” Bago pa man makasagot si James ay tinawag sila ni Tita Myla.
“Devon, pakainin mo yang bisita mo,” tawag ng tiyahin. Pumasok sa bahay sina Deon at James.
Abut-abot ang paghingi ng pasensiya ni Tita Myla kay James dahil sa ang nakayanan lamang niyang ihain ay minatamis na ginataang ube at kamote. Nagpabili naman ang tiyahin ni Devon ng softdrinks at tinapay sa anak nitong si Charlete.
Napatingin si Charlete sa bisita at bumulong sa pinsan. “Sino yan? Boyfriend mo,” hinampas ni Devon ang dalagitang pinsan sabay iling. Tumawa ng malakas si Charlete atsaka malakas na sinabi, “Aaah. Agum mo. (Asawa mo).” Tumakbo na papalayo si Charlete bago makaganti pa si Devon.
“This tastes really good,” sabi naman ni James habang kinakain ang ginataan. Parang gutom na gutom ang bisita nila.
“James,” tanong ni Tita Myla, at tumingin kay Devon kung tama ang pangalang sinabi niya. “Why uhm, come here?” nag-aalangang tanong ng tiyahin.
Napangiti si James. “I can understand Tagalog, you don’t have to speak English all the time. And,” tumingin si James kay Charlete na nakikinig din sa usapan, “I’m not her boyfriend, we’re just friends for now. I heard Devon was sick, so I decided to check on her.”
Nanlaki ang mata ni Tita Myla. “Nagbyahe ka ng ganon kalayo para lang makita kung okay si Devon. Hindi ba pwedeng idaan sa cellphone yan? O kaya dun sa internet?” Napangiti si James at itinuloy na lamang ang pagkain. “Ipapaayos ko yung kwarto ni Realou, dun na lang muna siya matutulog. Magsama-sama na muna yang tatlong babae sa kwarto ni Charlete,” wika ni Tita Myla kay Devon.
“Ay, hindi na Tita. Uuwi na din si James mamaya,” mabilis na sagot ni Devon.
Tumigil sa pagsubo si James at tumingin kay Devon, “ Are you serious? I travelled that long, and I’m supposed to go back today?”
“Marami kang trabaho di ba” hirit ni Devon. Kamusta naman, bulong ni Devon sa sarili. Pumunta ako dito sa probinsya para kalimutan kang mokong ka, tapos susunod ka dito.
“I filed for a vacation leave. I also need some fresh air, you know. I’m going back when you go back,” sagot ni James at ipinagpatuloy ang pagkain. “Anyway Tita, I could just look for a hotel and stay there. I don’t want to make your daughters uncomfortable.” Napatanga na lamang siya kay James at nagulat sa idea na may balak talaga itong mag-stay ng matagal.
Mabilis namang sumagot si Tita Myla, “Ano ka ba, James. Hindi kami ganyan sa mga bisita. Dito ka na matulog. Kaya lang pagpapasensiyahan mo na kung anong meron kami.” Napangiti naman si James sa tiyahin at muli na namang kumuha ng ginataan habang nagsasabi ng ”it tastes really good.”
****
Hindi makapaniwala si Devon, kahapon dumating si James. Tinawagan niya si Fretzie at sinabing andun ang lalaki, hindi mapigilan ni Fretzie ang sarili sa pagtawa. “Tinotoo, pala niya,” sabi ng kaibigan. “Kinukulit ako niyan para makuha yung number ng nanay mo. Tapos kinulit niya si Tita para sabihin kung asan ka. Malakas tama niyan sa ‘yo, mare!” Kung katabi lang niya si Fretzie ay kinaltukan niya na ito.
Simple lang buhay ng Tito at Tita Myla niya, hindi kalakihan ang bahay. Bagaman may kuryente at telebisyon, limitado lamang ang nakukuha ng antenna. Ang tubig ay iniigib sa poso, na hindi naman kalayuan sa bahay nila. May gulay sa likod ng bahay, may ilang pirasong alagang manok ang tito niya. Nilalakad lamang ang papuntang bayan kaya hindi din sila masyadong backward. Pero probinsyang-probinsya pa rin ang dating.
Hindi matunawan si Devon sa nakikita niya. Ang maputi at makinis na katawan ni James ay nagbo-bomba ng poso. Bakit ba kailangang naka-topless ka, nanlulumong wika ni Devon sa sarili. Ilang ulit niyang nakikita na nagbubulungan ang mga dumaraan na kapitbahay habang nakatingin sa nag-iigib na si James. Naririnig niya na tumatawa ang pinakabata sa magkakapatid na si Realou at ang kalaro nitong si Lhee habang nag-cheer ng “go, Kuya James, go!” Noong binuhat ni James ang timba para dalhin sa malaking dram ng tubig, hindi na napigilan ni Devon ang tumawa. Napatingin naman si James kay Devon.
“Why are you laughing?” wika ni James habang isinasalin ang tubig sa malaking dram. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ni Devon.
“Wala lang. Hindi ka kasi bagay dito. Sobrang out of place ka,” at hindi na naman napigilan ni Devon na tumawa. Kinuha James ang t-shirt at isinuot, pero hindi pa din tumitigil ng kakatawa si Devon.
Umakbay si James kay Devon at kinabig papalapit sa kanya ang dalaga. “I don’t feel out of place. You’re here.” Namula naman si James sa sinabi ni Devon at pinalo ng malakas ang kamay na naka-akbay sa kanya. “Aw, that hurts,” pero hindi tinanggal ni James ang pagkaka-akbay kay Devon. Humilig pa ito sa balikat ng dalaga. “I miss you,” mahinang bulong ni James.
Napatingin si Devon kay James at ngumiti. “I miss you too.”
Lumabas si Tita Myla at halatang nagpipigil ng ngiti ng makita si James na nakahilig kay Devon. Tumalikod si Tita at bumalik sa loob ng bahay.
“Oh, akala ko papapuntahin mo sa bayan si Devon at si James, para hindi mainip,” tanong ni Tito kay Tita Myla.
“Hindi na kailangan. Mukha nga silang busy eh,” nakangising wika ni Tita Myla.
1 comments:
kami pala ang bida sa update mo
tita myla FTW!
at vakit wala ditey si madame? haha
Post a Comment