Aug 20, 2010

Us? It's Undeniable (Chapters 4-6)

Chapter Four

Hindi sa maulang hapon na isinabay ni James si Devon nagtapos ang lahat. Nasundan ito ng ilan pang beses na nagkakasabay silang umuwi. They were surprised ng malaman nilang they work in the same university.

“I can’t believe you’re a researcher,” wika ni James habang nagmamaneho. “You’re crazy and crazy people are not credible.” Halos isang linggo na rin silang sabay umuuwi. Hindi na rin nagtataray si Devon kay James. Hindi na din sobrang stiff si James kay Devon. In fact, pareho silang nagulat na they are really comfortable with each other.

Hindi mapigilan ni Devon na ngumiti. “Palagi mo na lang sinasabi na I’m crazy. I’m not. Nabad-trip lang ako sa iyo on that first day kasi maingay ka at inaway mo agad ako.”

“What?” James reacted “I did not start the fight.” Lalo lamang napangiti si Devon sa sinabi ni James. “I really like your smile and you have nice teeth.”

Nagulat si Devon sa sinabi ni James at hindi mapigilang mamula. Sa katotohanan, kahit si James, nagulat din sa sinabi nya. What the heck was that, where did that come from , tanong ni James sa sarili. Mabuti na lang at hindi na sumagot pa si Devon. Iniba na lamang niya ang usapan.

“Palagi mo na lang ako isinasabay sa pag-uwi. Baka bigla mo akong singilin,” hirit ni Devon.

“What? I don’t understand the last part,” sagot ni James.

“Sabi ko, baka singilin mo ako. You’re gonna ask for something in return,” sagot naman ni Devon at eksaktong tumigil sila sa ng mag-red ang stoplight. Tumitig si James sa kanya ng matagal, at nahiya naman si Devon at kaagad na tumingin sa sasakyang nasa harapan nila.

“There’s something,” nagbibirong wika ni James. Napatingin naman si Devon kay James at nagtaas ng kilay. “Can you cook for me this Saturday night? I have a friend from Australia who’s coming home and staying with me. He’s supposed to be home tonight but something came up.” Nagtaka naman si Devon kung bakit siya pa ang pakikiusapan ni James. Pero parang nabasa ni James ang nasa isip ni Devon. “The pork that your cooked the last time is really good.”

“Sige,” sagot ni Devon. “Sigurado ka bang yun lang?”

Muling pinaandar ni James ang sasakyan. “What? What are thinking?” pabirong sagot ni James.

“Kasi, whenever guys ask for a favor, it’s either they ask for Ann’s number or they ask me na ipakilala sila. Sabagay, magkakilala na naman kayo,” wika ni Devon na parang hind napapansin na nagsalita siya ng malakas. Oh my gulay, baket ko sinabi yun, gulat na isip ni Devon.

“Ann?” wika ni James. Umiling ito bahagya at sinabi, “She’s cool.” Hindi na nagtanong si Devon kung ano pang ibig sabihin ni James. Tinanong na lamang ni Devon si James tungkol sa kaibigan nitong titira kasama niya. Ikinuwento ni James na Fil-American ang kaibigan na nag-aral sa Australia. Naging magkasundo sila kaagad kaya noong nalaman ng Fil-American friend na uuwi si James sa Pilipinas, nainggit ito ay naghanap din ng trabaho para makasama ang kaibigan sa Pilipinas. Sa sobrang sarap ng kanilang pag-uusap, hindi na nila namalayan na nasa tapat na sila ng apartment.

Nakatawang bumaba si Devon ng kotse. “Salamat ng marami James.” Nakita ni Devon na lumabas ng bahay si Ann at nakaabang sa may pinto.

“No problem, it was fun,” wika ni James na bumaba din sa kotse. Para namang sinundot ang puso ni Devon at napangiti siya kay James. Hindi naman mapigilan ni James na mapangiti din kay Devon.

“You’re here. Hi James,” bati ni Ann sabay lapit sa dalawa. Hindi alam ni Devon kung totoo ang nakita niyang parang nag-roll ng mata si James kasi bigla din naman itong ngumiti at bumati kay Ann. Binuksan ni James ang gate, habang papasok naman si Devon ng sariling gate.

Bago pumasok si James ulit sa kotse, pahabol nitong tinawag si Devon. “Sabay tayo tomorrow,” pilit na wika ni James sa Filipino. Natawa naman si Devon at tumango. Pagpasok sa bahay, padabog na umupo si Ann sa sofa.

“I’m tampo,” wika ni Ann.

Nagulat naman si Devon na nagtatanggal ng sapatos sa sinabi ni Ann. “Baket ka naman nagtatampo? At kanino?”

“Sa iyo,” sagot ni Ann. Hindi niya pinansin ang nagulat na mukha ni Devon. “You’re spending more time with James. He’s not spending more time with me.”

Kumunot naman ang noo ni Devon. “Ano naman kinalaman ko doon?”

“Kasi he’s always taking you home,” wika ni Ann.

Napatayo si Devon at kumuha ng tubig sa kusina. Matagal na usapan to, iling na wika ni Devon sa sarili. She wants something. “Ann, there’s nothing wrong with that,” mahinahong wika ni Devon paglabas ng kusina. “Sabay kaming umuuwi kasi pareho kami ng oras ng uwi, pinanggalingan at uuwian.”

“Basta,” nagmamaktol na wika ni Ann. “It’s still not fair, we were close first.”

Napapakit si Devon. “So anong gusto mo?”

“We should get close. You know, I like him Devs. And I can feel that he likes me back. You’re my friend di ba? You’ll help me, right?” wika ni Ann. “You remember naman, di ba, how I stood by your side all throughout college years and even with the boys na sinaktan ka.”

Napailing si Devon. Hindi niya kayang tiisin si Ann. “Anong gagawin ko?”

Napangiti at napatalon sa tuwa si Ann. “You’re the best talaga, Devon,” wika ni Ann habang niyakap si Devon.



Chapter Five

Nagmamadaling lumabas ng opisina si James at pinuntahan ang kotse sa parking lot, dadaanan niya ulit si Devon sa labas ng building, para sabay silang umuwi. Surprisingly, nae-enjoy ni James ang mga byahe nila pauwi tuwing hapon. I never thought she would be easy to talk to, isip ni James. Sumakay ng kotse si James at nag-drive patungo sa building ni Devon. Pero laking gulat niya ng makita niya doon sa baba, hindi si Devon kundi si Ann.

Bumaba ng kotse si James. “Ann, what you’re doing here?” tanong ni James.

Nakangiti namang bumati si Ann. “Hi, James. Can you help me with this?” tanong ni Ann na tinutukoy ang mga dalang folders.

Kinuha ni James ang mga gamit at inulit ang tanong niya, “What are you doing here, where’s Devon?”

“She left already, may pupuntahan daw siya. She asked me na pumunta dito para dalhin yung ibang mga gamit niya,” wika ni Ann.

Napatango naman si James. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at pinagiisipang tawagan si Devon. Pero naisip niyang baka busy yung tao kaya naisipan niyang huwag na lamang tumawag. “Are you going home already?” tanong ni James kay Ann.

“Yeah, I was about to,” wika naman ni Ann na nakangiti.

“I’ll take you home,” wika naman ni James sabay sakay sa kotse.

Sa bintana sa itaas ng building, makikita si Devon na nakasilip. Pinapanood niya si James at Ann na sumakay ng kotse. Sumilip naman si Fretzie sa balikat ni Devon atsaka umiling. “Hay nako, Devon, ang martir nasa piso at nasa Luneta na.”
*****
Tatlong araw ng hindi nagkakasabay sa paguwi si James at Devon. Bilang na bilang ni Devon ang mga araw: Wednesday, Thursday at ngayon ay Friday. Ang hindi niya alam, bilang din pala ni James ang araw na hindi sila nagkakasabay sa pag-uwi. Tatlong araw na rin kasing si Ann ang nakaksabay niya. Sa tuwing pupunta siya sa building ni Devon, palaging si Ann ang nakikita niya sa labas.

Ngayon Biyernes, naabutan niya si Devon at si Ann sa labas ng lobby ng research institution. Ang buong akala niya ay kasabay nila si Devon umuwi, pero nagpaalam ito na may lakad ng kaibigan na si Fretzie. Hindi naman maitago ang disappointment sa mukha ni James.

“Are you avoiding me,” diretsong tanong ni James kay Devon.

Halatang nagulat si Devon, at ganoon na din si Ann sa tanong ng binata. “Of course not,” nakangiting wika ni Devon. “May lakad lang talaga ako.”

“Don’t forget that you’ll be cooking for my friend tomorrow night,” paalala ni James.

“Para saan,” nagtatakang tanong ni Ann. “Why am I not invited?” pabirong hirit ni Ann. Hindi sumagot si James sa tanong ni Ann at matagal na tumingin kay Devon.

“I did not forget,” wika naman ni Devon. “You’re friend likes chicken right? Sige magluluto ako ng masarap bukas. See you tomorrow.” Mabilis na paalam ni Devon at bumalik siya sa loob ng lobby. May gusto pa sanang sabihin si James pero pinigilan niya ang sarili.

“Let’s go,” pagyaya ni Ann.
*****
Alas-tres pa lamang ng Sabado ng hapon, kumakatok na si James sa apartment nina Devon. Mabilis namang lumabas si Devon ng bahay. “Baket?”

“C’mon, we’re doing some grocery shopping,” sabay hila ni James kay Devon.

Gulat na gulat naman si Devon. “Teka, magbibihis ako.”

Tiningnan ni James si Devon at namula naman ang pisngi ng dalaga. Matagal siyang tinitigan ni James, “You look good.” Hinila niya ang namumulang si Devon palabas ng gate at pasakay sa kotse.

“Pwedeng sumama si Ann,” tanong ni Devon ng maalala ang request ni Ann sa kanya na tulungan ang dalawa na maging close.

Hindi sumagot si James at basta na lamang pumasok ng kotse. Walang nagawa si Devon kundi sumakay na din sa loob. Hindi nagsalita si James hanggang sa makarating sa grocery. Ayaw din naman niyang humirit kasi mukhang mainit ang ulo ng binata. Hanggang sa matapos sila sa pamimili ay hindi pa din masyadong nagsasalita si James at hindi ito ngumingiti. Noong nasa byahe na sila pauwi, hindi na natiis ni Devon na hindi tanungin si James. “May problema ba?”

Napatingin naman si James kay Devon. “Why do you always have to drag Ann in all of our conversations,” prangkang tanong ni James. It’s as if you don’t like being around with me, iyon ang gustong sabihin ni James kay Devon pero pinigil niya ang sarili.

“Wala lang, kasi feeling ko you’ll look good together,” umiwas ng tingin si Devon kay James. Bakit parang kumurot ang puso ko, bulong ni Devon sa sarili. Hindi niya napansin na biglang napa-smirk si James sa sinabi ni Devon.

“Ann’s cool,” wika ni James. Ilang beses na niyang sinasabi yun,ano ba kasi meaning nun, isip ni Devon. Pagkarating sa apartment, nakita niyang nasa labas ng apartment si Ann at mukhang naghihintay.

“Where have you been,” tanong ni Ann. Bago pa man sumagot si Devon ay iniabot ni James ang isang plastic bag kay Ann at hinila si Devon papasok ng apartment niya. Walang nagawa si Ann kundi sumunod kay James at Devon. Nahalata ni Devon na hindi din maganda ang mood ni Ann kaya mas minabuti na lang niya na hindi magsalita.

Naririndi si Devon habang nagluluto ng hapunan. Kinukulit ni Ann si James. Kinukulit siya ni James. At nag-iingay na din ang kanyang aso na si Odi. Kaya pagkatapos magluto, sumuko na si Devon. “Uuwi na ako,” wika ni Devon na nakataas ang kamay. “Ang ingay nyo.”

Hinabol siya ni James. “You have to come back. Honestly, like seriously, come back. Eat dinner here. My friend’s gonna be here in few minutes. Okay?” Tumango naman si Devon at umuwi sa kanilang apartment.

Nagmamadali siyang pumasok ng banyo para maligo. Ayaw niyang makita pa siya ni Ann at makapagtanong ito. Kanina pa siya gustong i-corner ni Ann para tanungin kung bakit hindi siya kasama sa grocery trip at kung nabanggit ba siya ng kanyang prince charming. Paano ba niya ipapaliwanag sa kaibigan na ang tanging nasasabi lamang ni James tungkol kay Ann ay “she’s cool.”


Chapter Six

Kanina pa hinihintay ni James ang kaibigan. He’s late, ang nag-aalalang isip ni James. Dapat ay kanina pang dumating ito pero isang oras na ay wala pa rin siya. Umuwi sandali sa Devon para kuhanin ang cellphone, samantalang si Ann ay nakaupo sa sofa. Ilang beses ng tinatawagan ni James ang ibinigay na number na gagamitin ng kaibigan pagdating sa bansa, pero mukhang hindi pa niya ito ginagamit.

“Where is he,” tanong ni Ann. Ilang beses na niyang tinanong si James pero hindi naman nagsasalita ang binata. Halatang walang ganang makipag-usap.

Laking gulat ni James ng biglang may tumawag na lalaki sa labas ng gate. “Hello?” nagtatanong na boses ng lalaki. Nagmamadaling sumilip si James at napasigaw ng “you’re here!” sa sobrang tuwa. Kaagad niyang pinapasok sa gate at niyakap ang bagong dating. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong at may medyo matipuno ang katawan.

“I thought something happened. Come in,” wika ni James habang niyaya ang kaibigan sa loob. Nakangiti namang sumalubong si Ann sa bagong dating. Nagpakilala si Ann sa bisita.

“I’m Ivan,” pakilala naman ng poging binata. Habang ibinababa ang gamit niya ay hindi naman maubusan ng kwento ang dalawang lalaki. Pero bigla silang natigilan sa pagkukuwento ng pumasok si Devon sa bahay.

“Wala pa ba? Ang aga kong nagluto, tapos wala pa pala,” reklamo ni Devon habang nakatingin sa cellphone. Hindi niya napansin ang bagong dating. Kaya laking gulat niya ng makitang mayroong isang lalaking kasama sa sala si Ann at James.

Ngumiti si Ivan at bahagyang kumaway. Iniabot niya ang kamay kay Devon at nagpakilala. “I’m Ivan.”

Ngumiti din naman si Devon at inabot ang kamay. “Devon.”

“That’s a pretty name,” sagot naman ni Ivan na hindi inaalis ang kamay sa pagkakahawak sa kamay ni Devon. Hindi din niya inalis ang titig si Devon. Namumula na si Devon, sa tagal ng titig ni Ivan, buti na lang sumingit si James.

“Dude, you must be hungry. We cooked dinner for you,” wika ni James.

“Oh great. Are you staying for dinner?” tanong ni Ivan kay Devon at biglang ngumiti ng ngumiti ito. Nauna ang dalawang lalaki sa kusina. Samantalang kasunod naman nila ang dalawang babae. Sinisiko ni Ann si Devon.

“Ang lagkit ng tingin sa yo,” biro ni Ann.

“Tumigil ka nga,” siko rin ni Devon sa kaibigan.

******
Matagal ng nakaalis ang mga bisita ni James at Ivan. Umuwi na din pagkatapos mag-dinner sina Ann at Devon. Pero napagkasunduan nila na bago umuwi na lumabas at magmall the next day. May mga kailangan din kasing bilhin si Ivan. At kahit na ilang beses na din siyang nakabisita sa Pilipinas, nasa Bacolod naman ang kanyang pamilya kaya kailangan niyang maging pamilyar sa Maynila. Isang linggo munang magpapahinga si Ivan bago magsimula sa kanyang bagong trabaho sa isang business firm.

Nakaupo sa terrace si Ivan. Lumabas si James na may dalang isang bote ng malamig na juice.

“No beer for you, yet,” wika ni James. “Tomorrow, we can.”

Napatawa si Ivan at kinuha ang juice. “It was a great dinner, thanks,” wika niya kay James.

Napangiti si James. “Devon and Ann cooked.”

Sumandal si Ivan. “So who’s your girl?”

Nagulat naman si James sa tanong ni Ivan. “What do you mean?”

“You’re not dating anyone?” nagtatakang tanong ni Ivan. Umiling si James. “Ann looks smitten with you.”

Natatawang sagot ni James, “She’s nice.”

Napasandal si Ivan sa upuan. “So, its Devon.” Natawa namang umiling si James. “So, really, not one of the two.” Napatango naman si James. For now, natatawang bulong niya sa sarili.

“Devon’s pretty and really funny,” wika ni Ivan. Nagulat si James at napatingin kay Ivan. “I like her,” maikling sagot ni Ivan.

Hindi alam ni James, pero parang biglang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Mabilis pero masakit. “She’s crazy,” sabi naman ni James. Natawa si Ivan. “I’m telling you, she’s crazy, got a wild temper and her dog’s a nuisance.”

Napangiti si Ivan at napakibit-balikat. “Let’s see,” wika nito.

Gusto mang sumagot ni James pero hindi na siya nakapag-react. Nagsimula ng magkwento si Ivan tungkol sa kanilang mga naiwang kaibigan sa Australia at ang kanilang mga plano sa mga susunod na araw. Pero hindi mapalagay si James sa lahat ng sinabi ni Ivan. Why should I care, naiinis na kontra ni James sa sarili.

Us? It's Undeniable (Chapters 1-3)

Chapter One

“Kapag hindi mo tinantanan ang aso ko, hindi ako magdadalawang isip na ihampas 'to sa ulo mo!” malakas na banta ni Devon sa lalaki sa kabilang bakod ng kanilang apartment.  “Naririnig mo ba ako?”

“The entire village could hear you!” malakas din na sagot ni James sa maliit na babaeng nasa kabilang bakod. 

Nanlilisik ang mga mata ng babaeng nasa harapan niya.  Sayang, she’s really pretty, ,  bulong ni James sa sarili.  Nakahalter siya ng pula at kupas na maong shorts.  Morena, maputi ang mga ngipin at may magandang hugis ang mukha.  Nakapusod ang mahaba nitong buhok at mayroong suot na eyeglasses.   Pero mas nakakuha nang atensyon ni James ang dos por dos na hawak nito at inaambang ihampas sa kanyang ulo.

Muntik nang mahuli ni James ang maliit na asong lumulusot sa pagitan ng mga rehas na bakod na naghihiwalay sa dalawang apartment yunit.  Halos isang linggo na niyang napapansing nawawala ang kalahati ng kanyang tsinelas o kaya't tila nginatngat ang kanyang mga sapatos.  Noong ipinasok na niya ito sa loob nang bahay ang kanya namang mga halamang nasa paso ang napaginitan ng maliit na halimaw.  At kahapon pa nga, ay muntik na niyang matapakan ang duming iniwan nito sa kanyang garahe.  Muntik na niyang maabutan ang pasaway na aso nang lumusot ulit sa bakod at doon na siya sinuimulang ambahan ng cute na babaeng nasa harapan niya. 

“We could talk about this. I really have a huge problem with your dog,” wika ni James.  Nakita niyang bahagyang namula ang psingi nang dalaga.  Inayos niya ang salamin sa mata, pero hindi pinansin buhok na nahulog mula sa kanyang tali. 

“Eh, makikipag-uysap ka din pala, bakit kailangang hampasin mo pa ang aso ko,”  mataray na sagot ni Devon sabay nguso sa hawak na tubo ni James na ginagamit niyang panghabol sa aso.

“ Okay, I’m unarmed. How about putting that down?” Sabay nguso sa hawak ni Devon na kahoy.

Ibinaba ni Devon ang hawak na kahoy at nakapamewang na lumapit sa lalaki.  Gwapo din naman pala, bulong ni Devon sa sarili.  Halos anim na talampakan siguro ang taas nang lalaki, maputi at matangos ang ilong.  Hindi gaanong malaki ang pangangatawan pero well-built ito. Ang sabi ng kanilang landlady, isang half-Australian, half-Pinoy daw ang kanilang bagong kapitbahay.  Umuwi daw ng Pinas nang tanggapin ang isang career opportunity, at para na din makilala ang Pinoy relatives.

“I think, we started on the wrong foot,” pasimula ni James.  “ I’m James Lacsamana,” sabay abot ang kamay kay Devon.

Kinuha naman iyon dalaga at nagpakilala, “ Devon Estana.”

Parang nakaramdam si Devon ng bahagyang kuryente ng maglskapat ang kanilang mga palad.  Kung naramdaman iyon ng kaharap niya ay wala itong ipinakitang ebidensiya sa mukha nito.  Ano ba naman Devon,  galit na bulong sa sarili, nakakita ka lang ng gwapo kung anu-ano nang nararamdaman mo.

“About your dog,” pasimula ni James.  “I assume, it’s yours?”

“Oo, aso ko nga si Odi, “ sagot ni Devon.

“He’s been getting through the fence for the entire week. He has been chewing on my shoes and slippers.  And now, I think he’s eyeing my plants.”

Pinakinggan ni Devon ang reklamo ni James.  Dati pa naman kasing inirereklamo nang mga kapitbahay si Odi, pero hindi naman niya magawang ilagay sa kulungan o itali dahil naawa siya dito.  “Paasensiya na,” paumanhin ni Devon.  “Kakausapin ko na lang siya.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni James, “ Kakausapin? You’ll talk to your dog?”

“Oo, nakikinig naman yun eh, “ napangiti si Devon.  Matagal na din akong hindi nakakapag-date, hindi kaya nakakahiyang imbitahin ang lalaki ito, bulong ni Devon sa sarili.  O baka naman ako ang imbitahan niya, at nahihiyang namula ang pisngi ni Devon.

At habang nag-iimagine si Devon, narinig niyang bumukas ang pinto nang kanilang yunit at lumabas ang kanyang kababatang si Ann.

“Devon, nakakalat na naman yung mga libro mo sa sala,” malakas na puna ni Ann sa kaibigan.  At saka ngumiti nang buong giliw sa kausap nang kaibigan “Ay, hi, may kausap ka pala?”

Alam ni Devon na kanina pa nakita ni Ann mayroong siyang kausap.  Kapansin-pansin kasi ang mga namumulang pisngi ni Ann na tila kakalagay lang blsh-on at ang nangingintab nitong mga labi na mukhang kakalagay lamang din nang lip gloss.  Nakalugay ang mahaba ang makintab na buhok ni Ann.

Walang nagawa si Devon kundi ipakilala si James.  “Si James Lacsamana, bago nating kapitbahay.  Si Ann Cornelio, kasama ko sa apartment.”

Napahugot na lang ng malalim na hininga si Devon. Alam na niyang hindi na siya dapat pang mag-imagine ng “dates” nila ni James.  Ilang beses na nga bang ganoon ang mga pangyayari?  Sa tuwing makakilala si Devon ng lalaki na potential boyfriend na sana, hindi maiiwasang makikilala nila si Ann.  Maganda ang kababata ni Devon, pangmodelo ang tangkad at hubog nang katawan nito.   Sa katunayan nga, sa tuwing makikilala nang mga potential boyfriend ni Devon si Ann, ngingitian lamang sila nang kanyang kababata at kakalimutan na nila si Devon.  Ilang beses na din bang nangyari na ang mga lalaking pinagiinteresan ni Devon ay sa kanyang kababata nanliligaw. 

“Huy Devon, “  mahinang hampas ni Ann sa balikat ni Devon.”

Biglang natauhan si Devon at napatingin sa dalawang taong nakatingin sa kanya. 

“Please forgive my friend, she’s always daydreaming,”  malokong ngiti ni Ann habang kinakausap si James. 

Nagsimulang magkwento si Ann ng tungkol sa village at mataman namang nakinig si James.

Hay, bulong ni Devon sa sarili.  Yun na yun eh... Bye-bye date. At marahang tumalikod si Devon at pumasok sa oob nang bahay nang hindi napapansin nang dalawang taong nag-uusap sa bakod. 


Chapter Two

Nagtatrabaho sa isang research institution na affiliated sa isang  pribadong kolehiyo bilang isang staff-researcher at writer si Devon.  Minsan kahit Sabado kinakailangan niyang pumasok, lalo na kapag mayroong silang ilalabas na bagong academic publication.  Kaya ngayon, maaga pa lang ay nakaligo na siya at nagkakape na nang lumabas mula sa kwarto  si Ann.

“May almusal ba?” tanong ni Ann habang nagbubukas nang ref.

“Hindi na ako nakapagluto, “ mahinang sagot ni Devon.  Ganoon palagi, sa tuwing umaga, si Devon ang nag-aasikaso nang almusal nilang magkaibigan.  Kung palaging busy sa trabaho si Devon sa pagpasok sa trabaho, ganoon naman kaluwag ang sked ni Ann.  Isang freelance model at writer si Ann, kung kaya nakabatay sa mga projects na dumarating ang kanyang mga sahod.  Pero dahil nag-iisang anak si Ann, malaking allowance mula sa kanyang nakakariwasang mga magulang ang nakukuha niya.  Hindi katulad ni Ann, na kinakailangang magtrabaho para kumita at makapagbigay din nang pera sa kanyang mga magulang na nasa probinsya.

“Papasok na ako,”  paalam ni Devon.  “Pakibantay na lang si Odi.  Bigyan na lang siya ng pagkain mamaya.”

Itinali ni Devon si Odi sa labas nang bahay para hindi na din ito makalusot sa bakod.   Binigyan niya muna ito nang tubig at pinagsabihang mag-behave habang  wala pa siya.   

Akala nang iba, dahil nasa opisina lamang ang trabaho ni Devon ay madali na ang ginagawa niya.  Ang hindi alam nang iba, palaging mabigat ang pressure lalo na kapag kailangan ang mga importanteng mga datos.  Palagi siyang nakaharap sa computer para mag-analisa ng mga numero at datos na kailangang basahin. Pagod na pagod siya pagkatapos nang trabaho at gusto na lamang itaas ang kanyang mga
paa pagdating sa kanilang bahay, kumain at matulog.

Pero pagdating niya sa bahay, napansin niyang wala na sa kanyang tali si Odi nang pumasok siya sa kanilang bakuran.  Baka tinanggal na ni Ann sa pagkakatali,  alam naman kasi niyang walang pupuntahan  ngayon si Ann.

Laking gulat na lang niya nang makitang nakaupo sa kanilang sala si James.  “Good afternoon,” gulat na gulat na bati ni Devon

Salubong ang kilay ni James. “ I’m sure you enjoyed your afternoon. And while you’re enjoying somewhere, your dog ate another pair of shoes and also my plants.”

“Ha?” pabiglang sagot ni Devon.  “Imposible yun, itinali ko kanina si Odi bago ako umalis.  Hindi naman kayang putulin nang aso ko ang kadena.  Asan ang aso ko?”

Ibinagsak ni James ang isang kahon at narinig ni Devon ang nagmamakaawang mga kahol ni Odi sa loob nito.

“Your dog is just crazy, it may be rabid. He even wants to bite me,” nakasimangot na wika ni James.

“Imposible ngang makawala si Odi sa kadena niya,” depensa ni Devon.  “ Atsaka hindi siya nangangagat ng tao.”  Pero parang umurong ang kanyang dila nang makita niyang tastas ang laylayan  ng pantalon ni James na tila nginatngat ng malilit na tuta.  Kailangang magbago nang atake, bulong ni Devon sa sarili.  Sabi nga nila the best defense is offense. 

Ano naman kasing ginawa mo na ikinagalit ng aso ko,” atake ni Devon.  Binuksan niya ang kahon at tuwang-tuwa namang tumalon sa kanyang amo si Odi. 

“I’m telling you, your dog is crazy. He might have got it from you,” tumaas na ang tono ni James.

“Huwag mo akng sigawan, at hindi ako baliw,” sigaw din ni Devon sa kausap.  Napansin ni Devon na tila may sugat sa ulo si Odi at bahagyang mayroong dugo na namumuo dito.  Lalong tumaas ang presyon ni Devon.  “At bakit may dugo sa ulo ang aso ko,” malakas na tanong ni Devon sa lalaki.

“It’s self defense,” galit na sagot ni James.

“Yang laki mong yan, kailangan mo pa ng self-defense.  Tandaan mo, dog-abuser, isusumbong kita sa awtoridad!”

Sarkastikong napangiti si James na parang naghahamon, “And who is that?”

“Isusumbong kita sa --,” natigilan si Devon.  “Isusumbong kita sa Malakanyang!”  Pagalit na sagot nito bago tuluyang pumasok nang kusina bitbit si Odi.   Inispeksyon niya ang sugat ni Odi at nakahinga siyang ng maluwag nang mapansing maliit at mababaw lang naman pala ang sugat. Ibinaba niya si Odi at binigyan nang pagkain. 

Halos isang oras na ang nakaklipas, sumilip si Ann sa kusina.  “Pwede na ba? Malamig na ba?”

“Pwede na,”  sagot ni Devon.  “Pumutok na naman ako.  Sabi ko sa sarili ko hindi na ako magiging mataray.  Pero talagang nakakainis na talaga yung lalaki na yun eh. Paano kasi nakaalis sa tali niya si Odi,” tanong ni Devon sa kaibigan.

“Uhm it’s my fault,” amin ni Ann.  “Nabuhol kasi siya sa tali niya at hindi makahinga, naawa naman ako.  Pero noong  inaayos ko naman yung tali nya, nakawala siya at hindi ko na siya naghabol. “

Napabuntunghininga si Devon.  “Nakakahiya naman sa kanya dapat siguro akong magsorry no?”

“May buong gabi ka naman para gawin yun?” sagot ni Ann.  Nagtatakang tumingin si Devon sa kaibigan.  “Inimbitahan ko siya dito at sinabing dito na maghapunan.”

“Ha? “ galit na sagot ni Devon.  “Anong ipapakain mo sa kanya, boiled egg?”

Wala kasing alam lutuin si Ann kundi boiled egg.  “Hindi ah, syempre yung masarap,” nakasimangot na sagot ni Ann.

Napangiti si Devon sa kaibigan. “Goodluck,” wika nito habang papalabas na ng kusina kasunod si Odi.

“Teka,”  habol ni Ann.  “Kaya ko nga sinabi sa 'yo kasi kailngan ko ng tulong mo. Please.” 

Pagmamakaawa ni Ann.

Napatingin si Devon sa kaibigan, at nakita ang nagmamakaawa nitong mukha.  “Sige na.”

“Yehey,” masayang sagot ni Ann.  “Sige i-entertain ko lang muna siya.”

“Teka,” habol naman ni Devon. “Sabi mo tulungan kita, hindi yung gawin mo ako cook mo.”  Pero wala nang narinig si Ann dahil nakalabas na ito nang kusina. 

Inis na inis si Devon at nagsimulang buksan ang ref.  Nagdesisyon si Devon na magluto na lamang sweet and sour pork. Nakakita rin siya ng mga gulay kaya iginisa na lamang niya ito. Inis na inis na bumubulong si Devon si sarili, gusto ko ng magpahinga. Hindi niya hinugasan ang pinaglutuan, ipapahugas niya iyon kay Ann.  Ilang beses niyang tiningnan ang castor oil na nasa cabinet sa kusina.  Gusto niyang lagyan ng castor oil ang ihahain na pagkain kay James. Tingnan ko lang kung hindi ka magmadali papunta ng banyo, bulong ni Devon sa sarili. Pero siyempre, umiral pa din ang pagiging matino ni Devon.  Maya-maya pa ay pumasok na si Ann sa kusina para ihain ang niluto niya, tinulungan niya itong ilabas ang pagkain sa dining area. Naroon at nakaupo  sa dining table si James.

Nang makaupo si Ann at si James, uupo sana siya pero nakita niya ang namimilog at nakikiusap na mata ni Ann. Napabuntunghininga siya at sinabi, “ Mamaya na ako kakain, maglalakad kami ni Odi sa labas.”

Nakasimangot na sumagot si James, “You’re crazy, it’s late and you’ll still take the dog out for a walk? Why don’t you just eat, SILENTLY.”

“Uhm, she always takes the dog out for a walk sa ganitong oras. She’s gonna be fine,” hirit naman ni Ann.

Walang nagawa si Devon kundi ngumiti at kuhanin si Odi. Kapag ganoon ang mga tingin ni Ann, alam niya na nagrerequest yun ng privacy.  Kaibigan niya si Ann , malaki ang utang na loob niya sa kaibigan lalo na noong college pa sila. Kaya naman palagi niyang pinagbibigyan si Ann sa kanyang mga requests.


Chapter Three

Nagmamadadaling lumabas ng gate si Devon ng apartment. Hindi niya agad natapos ang nire-revise na mga write-ups kagabi dahil sa maingay na kwentuhan ni Ann at ni James sa labas ng bahay. Madaling-araw na siya nakatulog at tanghali na siya nagising. Late na naman ako, bulong ni Devon sa sarili. Nagmamadali siyang sumakay ng traysikel na magdadala sa kanya sa jeepney stop. Humahangos siyang dumating sa opisina at sinalubong naman siya ng isang nakatawang co-researcher at malapit na kaibigan na si Fretzie.

“Wow, you’re almost late,” nakangiting bati ni Fretzie. “Nakipagdate ka kagabi,” pang-aasar ng kaibigan.

Salubong ang kilay ni Devon, “Hindi noh, asa ka pa. Yung kapitbahay namin. Nasa bahay na naman namin kagabi. Kwentuhan na naman sila ni Ann. Naglamay ako para tapusin yung mga writeups.”

“Yan ba yung nakaaway mo dahil sa aso,” tanong ni Fretzie. “Di ba crush mo yun?”

Halos maputol ang leeg ni Devon sa pag-iling. “Hindi! Crush yun ni Ann.” Kagabi nga, matapos umuwi si James, ang mga pagkakilig naman ni Ann ang kailangang pakinggan ni Devon.
“Ann was really gushing about the guy, last night.”

Napailing si Fretzie. “Naalala ko tuloy si Carson. Di ba you like the guy din? Pero he ended up meeting and courting Ann. Akala ko ikaw yung liligawan kasi he kept on asking for your number. Yun pala gusto lang nila magpa-introduce kay Ann.”

Napatungo na lang si Devon.
“Nasanay na ako Fretzie, when guys try to be close to me, it’s because they like to be with Ann.”

******

Nagmamadaling umalis si James na apartment. Sheet, I’m late, bulong niya sa sarili. Gabi na siya nakauwi sa bahay. Tinext kasi siya ni Ann requesting to borrow a movie na nabanggit niyang isa sa mga favourite ni James nung dinner. Ang balak lang niya ay dadalhin ang DVD kay Ann, pero makulit ang dalaga and insisted that they talk for a while. Gustong gusto na niyang umuwi kasi maaga siya dapat sa university, pero nahihiya naman siyang i-cut abruptly si Ann. Ilang beses niya ding nakita ang nanlilisik na mata ni Devon, ng ilang beses itong nagrequest na hinaan ang kanilang kwentuhan at ganoon din ang malakas na radyo ni Ann.

Isang assistant athletic director si James for a private university. Isa siya sa mga pinakabatang naging assistant athletic director sa history ng university at super proud siya doon. Isa siyang tri-athelete sa Australia at ilang beses na din nakapag-compete and even garnered a place sa Ironman Triathlon. Dati na rin siyang nag-handle ng sports program sa isang prestihiyosong university sa Australia. Kaya noong nabalitaan niya sa isang kaibigan na may isang college na naghahanap ng assistant athletic director sa PIlipinas, kaagad siyang nag-apply. Gusto din naman kasi niyang makilala ang kanyang Filipino roots.

Kakababa pa lamang niya ng kotse ng mag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niya ang isang familiar international number at kaagad niya itong sinagot. “Hey,” sagot niya.

“Hey, I’m coming home next week. My new job is finalized,” wika ng lalaki sa kabilang linya. “Make sure that you have your spare room, ready.”

“D a m n, where would I put all my boxes,” nagbibirong sagot ni James.

“Better start cleaning. I’ll be home by Tuesday.” Ibinigay ng kausap ang flight details kay James at kaagad ding nagpaalam. Natuwa si James. Isang Fil-American friend na nakilala niya sa university sa Australia at nagdecide na ding umuwi at magtrabaho si Pilipinas. It’s gonna be fun, wika ni James. Besides it’s a good excuse not to hang around with Ann and that crazy, Devon.

****
Malakas ang ulan at gusto na ni Devon umuwi. Pero dahil sa sobrang pagmamadali kanina, naiwanan niya ang payong sa bahay. Nakakainis ka talaga Devon, ang bulong niya sa sarili. Bakit ba palagi kang wala sa sarili. Ayaw niyang sumugod sa malakas na ulan dahil mababasa ang dala niyang mga papel at laptop, stranded siya sa isang waiting shed sa labas University. Traffic din naman kaya maghihintay na lang ako, wika ni Devon.

Pero ang hindi niya alam, kanina pa siya nakita ni James. Sa tapat ng waiting shed, napatigil ng traffic ang kotse ni James. Nakita niya si Devon na nakatayo sa gilid ng waiting shed at basang-basa ang buhok. Should I call her, isip ni James. Kaya lang iniisip niyang baka angilan na naman si Devon. She’s crazy, natatawang isip ni James. Pero hindi din niya alam kung bakit ibinababa pa rin niya ang kanyang passenger window at sumigaw.

Devon,” tawag ni James. Nagulat si Devon at hinanap ang sumisigaw. “Devon,” sigaw ni James. Gumagalaw na ang traffic at nakita na rin siya ng crazy woman. “I’ll take you home.”

Nanglalaki ang mata ni Devon atsaka sumigaw. “Hindi ako sumasabay sa strangers. Uwi na ako mag-isa.”

Kumunot ang noo ni James. “Traffic is moving, are you coming or what?”

Natigilan si Devon, seryoso ba talaga siya? Nagulat si Devon sa isang malakas ng kulog at kidlat. Nagmamadali siyang sumakay sa kotse ni James. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero walang nagsasalita sa kanila. Tinitingnan ni James ang katabing dalaga, nagulat din siya ng sumakay ito. She’s really crazy, bulong ni James sa sarili. Palihim namang tinitingnan ni Devon ang binata, ang gwapo talaga niya. Kaya lang gwapong masungit.

Hindi na nakatiis si James. “Can we declare a truce?”

“Huh,” nagtatakang tanong ni Devon.

“Let’s not fight. I don’t want to fight you, really,” seryosong wika ni James.

Hindi mapigilan ni Devon ang tumawa. Nagtataka namang tumingin si James kay Devon. Hindi niya mapigilang ngumiti sa nakakahawang tawa ni Devon. Hindi na rin napigilan ang sarili at malakas na nahampas ni Devon si James sa balikat.

“Ouch, that hurts,” gulat na sigaw ni James. “What the heck is that?”

Nagpipigil sa pagtawa na sumagot si Devon. “Sorry, I hit people whenever I'm happy or may something funny. Kasi noong sinabi mo kanina, para kasing totoong gyera. Sige, let’s start na lang ulit. Ako si Devon,” nakangiting kumay si Devon kay James.

Napatingin si James sa matamis na ngiti ni Devon.
She’s really pretty. “I’m James and you’re still crazy.”

Lalong natawa si Devon at humalakhak na naman siya ng malakas. Hindi na napigilan ni James ang sarili at sumabay na rin siya sa pagtawa.   

Hindi Cliche

Ipinid mo muna ang iyong mga labi
hayaang makapangusap at magkaunawaan tayo
sa mga patlang, at hindi sa mga salitang
Naririnig ko ng paulit-ulit
Sa pelikula, sa telebisyon, sa nobelang inilalako sa bangketa.
Hindi ko hinihinging bagtasin mo
Ang dagat, ang bundok at abutin ang mga ulap.
Hindi ko rin hinihiling na awitan mo ako
Ng mga kantang pinatutugtog sa radyo,
sa dyip, sa traysikel, sa mall.
Hindi ko inaasahang dalumatin mo
ang mga bugtong at tanong na hindi masagot ng mga pantas.

Nais kong makabuo tayo ng mga salitang
nabuo natin sa pagtatagpo ng ating mga mata.
Nais kong punuin ng sarili nating himig ang hangin,
at hindi mga malulungkot na kwento
ng mangingibig na iniwan at sinaktan.
Pagkat doon malalaman natin na hindi tayo nagkakamali.
Sapagkat, ikaw ay ikaw. Ako ay ako.
Bago pa man tayo nagtagpo.

sapagkat ang paghihintay ay kakambal ng wala

ang pangangalumbaba ay kasabay ng pagtingin sa ulap
ang pagmumuni-muni ay kaunabay ng pagbulong sa hangin
ang sigarilyo kahit hindi hithitin ay nagiging upos pa din
sapagkat ang paghihintay ay maaring maging kakambal ng wala.

hihintayin mo ang yabag ng mga paang nagmamadali,
ngunit ang maririnig ay kalesa lamang na dumaraan.
wari mo'y may kamaong kakatok sa pinto,
pero ang iyong kapitbahay lamang pala na naiwan ang kanyang susi.
makikiramdam ka sa pag-ikot ng siradura,
ngunit hindi ito natitinag.
sapagkat ang paghihintay ay maaring maging kakambal ng wala.

sa pagsasanib ng mga bundok at araw,
huhugutin mo ang lumang kumot, itatabi ang natirang ulam at kanin.
maghahanap at maghihintay ka ng bulalakaw,
dahil hihilingin mong sana, bukas,
ang paghihintay mo ay walang kakambal na wala.

for my jaevon family

james reid & devon seron- jaevon- kapag tumibok ang puso

James Reid and Devon Seron- Jaevon- Mahal Kita

Powered by Blogger.