Sep 7, 2010

Chapter 15

Chapter Fifteen

“Bakit ba kasi biglaan kang makipagkita,” kunwaring naiinis na wika ni Devon sa kausap sa cellphone. Nagmamadali siyang naglalakad sa Greenhills. “Tapos minamadali mo pa ako.”

“Anong magagawa mo kung bigla kitang namiss,” palokong sagot ni Fretzie sa kabilang linya. “Nasaan ka na?”

“Ang kulit mo talaga,” pang-aasar ni Devon. “Ayan, andito na ako sa restaurant. Asan ka na?”

“Ah okay, andyan ka na? O sige bye,” pagmamadaling paalam ni Fretzie.

Nagulat naman si Devon sa madaling pagpapaalam ng kaibigan. Pumasok siya sa restaurant at pumili ng isang mesa malayo sa pintuan. Tinawagan siya ni Fretzie kanina at nagyaya na magkita sila pagkatapos ng trabaho. Nagulat si Devon kasi weekday at alam niyang marami ding trabaho ang kaibigan. Pero naisip niyang baka naman gusto lang din mag-unwind ni Fretzie.

Binuksan niya ang menu at pumipili ng kakainin. Hindi niya napansin ang isang taong lumapit sa mesang kinauupuan niya. Nagulat si Devon ng makita ang isang bouquet ng white roses na nasa harapan niya. Tumingala siya at lalong nagulat sa nakita niya.

“Hi,” bati ni James. Hindi makapaniwala si Devon sa nakita niya.

Panaginip lang to, bulong ni Devon sa sarili. Inalis niya ang mata sa lalaki at pumikit. Bumilang siya ng tatlo at muling tumingin sa direksyon ni James. Sheet, andito pa siya. I’m not dreaming.

Napangiti naman si James ng makitang pumikit ang magbilang si Devon. She’s so pretty. She lost weight, but she’s become more beautiful. Not being around me made her look good. “I’m not a dream,” wika ni James at uupo n asana siya sa tabi ni Devon. Pero biglang tumayo si Devon. Lagot ka sa akin Fretzie, lagot ka talaga sa akin babae ka. Mabilis na tumayo si James at hinabol si Devon.

“Wait, can we talk,” habol ni James.

“Walang dapat pag-usapan,” patuloy ang lakad ni Devon.

Hinawakan niya ang braso ni Devon para mapigilan ito. “There’s so much to talk about.”

Tumigil si Devon at umikot para harapin si James. “After two years, may pag-uusapan pa ba?”

“Hear me out,” paliwanag ni James.

Naiinis na sumagot si Devon. “Wala ka ng dapat sabihin James. Wala ng dapat i-explain.”

Tumalikod si Devon at mabilis na lumakad papalayo. Naiinis naman si James na sumunod. “Why can’t you just stay put and listen to me,” pagalit niyang wika kay Devon.

Muli na namang hinarap ni Devon si James. Oh my gawd, ang gwapo pa din. Maghunos-dili ka Devon, kontra ni Devon sa sarili. “Ikaw pa ang galit ngayon. Kung kelan kailangan ko na may sabihin ka, saka naman wala kang balak magsalita. Tapos ngayon, babalik ka sa buhay ko para mag-explain. Maghanap ka ng kausap mo,” mataray na sagot ni Devon.

Pinabayaan ni James na makalayo si Devon. Pababayaan muna niya itong makaget-over sa pagkikita nila at sa galit nito. We’ll be together,, I swear, bulong ni James sa sarili.

*****

Nagmamadaling pumasok si Devon sa opisina. Hindi pa din siya makaget-over sa pagkikita nila ni James kagabi. Galit na galit na pumasok si Devon sa loob ng research department. Kinausap at inaway niya si Fretzie. Hindi naman maubos ang sorry ni Fretzie, akala niya kasi ay okay na kung makakusap ng kaibigan si James. Tutal, two years na rin ang nakaraan.

Ibinuhos ni Devon ang lahat ng kanyang atensyon sa ginagawang article ng biglang may tumawag sa kanya. “Devon, telephone,” sigaw ni Carson. Nagmamadali namang tumakbo si Devon sa telepono iniisip na baka tungkol ito sa data na hinihingi niya sa isang government agency.

“Hello,” bati ni Devon.

“Devon,” sigaw ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya. “My god, I thought it wasn’t really you.”

“Ann?” tanong ni Devon. Kamusta naman ang “blast from the past”, wika ni Devon sa sarili.

“Right girl,” masayang sagot ni Ann.

“How did you know I work here?” gulat na tanong ni Devon.

“I saw your name on the newspaper article. It said na ikaw yung researcher. So I called the paper at dyan ka nga nagwo-work. This is so awesome!” excited na kwento ni Ann. “Did you get my wedding invitation?”

“I did,” sagot ni Devon. “Congratulations, that was surprising.”

Napahagikhik naman si Ann sa sinabi ni Devon. “I know right. Talagang it was unexpected. You’re attending the wedding? Say yes, please. I haven’t seen you for a long time.”

Napangiti naman si Devon. May mga bagay talagang mahirap tanggihan. “Sige, I’ll attend.”

“Yey. Ivan’s gonna flip out!” masayang kwento ni Ann. “Give me your cell number.” Matapos magpalitan sila ng numero ay biglang humirit si Ann, “I really miss you girl.”

“Ako din,” sagot ni Devon. And I do, naisip niya. Kahit hindi naging maganda ang nangyari sa pagkakaibigan nila ni Ann, isa pa din itong malapit na kaibigan. Nagpaalam na siya kay Ann at bumalik sa mesa.

Lumapit naman si Carson. “You’re in demand,” biro nito. Nagtataka naman na kumunot ang noo ni Devon. Itinuro ni Devon ang isang bouqet ng white flowers na dala ng isang delivery boy. Niloko ng mga ka-opisina si Devon.

“Ang pretty naman niyan. Ang haba ng hair,” biro ng isang kaopisinang si Shey.

Tiningnan ni Devon ang nakalagay ng card. We have to talk. Get it over with. You’re still crazy. Hindi naman mapigilan ni Devon ang mapatawa sa huling nakasulat si card.

Tinawag niya si Carson, “Carson, kurutin mo ako bilis.” Gulat namang kinurot ni Carson ang dalaga. Nagpasalamat si Devon sa kaibigan at huminga. Ayan, kailangan mo pang magpakurot para mahimasmasan ka Devon, ano naman pwedeng sabihin niya sa yo na ikakabago ng mga pangyayari, isip niya.

*****

Nakaharap si Devon sa computer at tahimik na nagta-type ng biglang sumulpot sa tabi niya si Carson.

“Hey workaholic, somebody’s looking for you,” wika ni Carson sabay turo sa pintuan ng department.

Isang delivery boy ang may dalang isang dosenang white roses. Napailing si Devon, dalawang linggo ng straight nagpapadala ng bulaklak si James sa opisina. Ilang beses na din itong tumatawag sa office line, pero hindi niya kinakausap. Kahit ang mga tawag ni James sa cellphone ay hindi niya din pinapansin. Pinagkakaguluhan siya ng mga ka-opisina dahil gusto nila makilala ang mystery guy. Isinenyas ni Devon na ipasok ang bulaklak at ipinatong sa kanyang mesa. Tulad ng iba pang mga flowers galing kay James, nakasulat sa card ang I’m sorry and I miss you.

“Alam mo Devon,the guy has been sending you flowers for two weeks,” exasperated na wika ni Shey. “Dapat naman pwedeng kausapin mo na yan.”

Napabuntong-hininga si Devon at inisip na mabuti ang sinabi ni Shey. Bakit nga ba hindi? Ano ba ang ikinakatakot mo, tanong ni Devon sa sarili. Naisip niya na baka ang matagal na panahon na pagpapamanhid sa sarili ay biglang matunaw sa ilang matatamis na salita lang ni James.

Kahit habang sa pag-aabang ng jeep si Devon pauwi ng bahay ay iniisip pa din niya kung dapat ba talagang kausapin niya si James. Kakatapos lamang ng trabaho at ginabi na naman siya. Isang itim na kotse ang tumigil sa harapan niya. Bumababa ang passenger window at nakita niya si James.

“Get in,” utos nito kay Devon.

“I’m not getting inside,” inis na sagot ni Devon at naglakad siya palayo.

Bumaba si James at kinuha ang mga dalang gamit ni Devon. Bumalik ito sa loob ng kotse. “I’m taking your things, unless, you want to go with them,” sigaw ni James mula sa loob ng sasakyan. Natulala naman si Devon at wala na siyang choice kundi ang pumasok sa loob ng kotse.

“So where do I take you?” tanong ni James. Sinabi ni Devon ang pinakamalapit na mall. “You live in a mall?” palokong tanong ni James.

“Of course not, doon ako sasakay pauwi,” pabarang sagot ni Devon.

“I’m taking you home. So tell me where you live,” utos ni James. Hindi nagsalita si Devon. “Fine.”
Ang laking gulat ni Devon ng biglang itinabi ni James ang sasakyan sa gilid ng gas station. “We’ll talk here.”

“Let me explain,” simula ni James. “This is hard for me. Okay?” Nagulat naman si Devon kay James. Hihirit sana siya pero inilagay ni James ang hintuturo sa labi ni Devon, at para namang kinuryente si Devon sa mabilis na pagdampi ng kamay ni James.

“I thought I can’t fall in love,” paliwanag ni James. “I thought nobody’s gonna accept who I am. I’m sorry if I have hurt you. I’m sorry if I pushed you away. I thought I am not good enough. I don’t want to hurt you and I thought I was protecting you. But I did not realize that what I did was hurt you more.”

Naluluha si Devon sa sinasabi ni James. Iniwas niya ang tingin sa halos nangingiyak din na si James , Hinawakan ni James ang baba ni Devon at iniharap sa kanya si Devon. “I’m not making any excuses for what I did. I know, what I did was wrong. I want to make it right. And I swear not to be that stupid again. Please, Devon, please understand. I’m a work in progress.”

Kailangan maging matatag ka Devon. “No James. Hindi yun ganoon kadali. Sinaktan mo ako, iniwan mo ako sa ere at pinagmukhang tanga. It took me two years para buuin ang sarili ko ulit. Tapos bigla ka na lang babalik sa buhay ko para sabihin na you want to make things right?” Umiling si Devon at kinuha ang gamit.

“Tell me how to make it up to you. Devon, I want to fix things,” tanong ni James.

Umiling si Devon. “Hindi sa lahat ng pagkakataon pwede mong ayusin ang mga nasira.”

“Why do you have to deny it? Can’t you feel it?” hinawakan ni James si Devon sa pisngi at parang nakuryente siya sa hawak ni James. Nagtama ang kanilang mga mata, pakiramdam niya ay malulunod siya sa titig ni James.

“Everytime I touch you, I palpitate,” kinuha ni James ang kamay ni Devon at itinapat sa puso niya. “It’s undeniable.”

Binawi ni Devon ang kamay niya. “Ikaw ang unang nag-deny.” Bumababa si Devon sa kotse ni James. Tatagan mo Devon ang sarili, isip ni Devon.

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.